• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat – NWRB

TINIYAK ng  National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng pananalasa ng El Niño sa bansa.

 

 

Ayon kay NWRB ­Executive Director Sevillo David Jr., bagamat sapat ang suplay ng tubig, kinakailangan pa rin na magtipid ang publiko sa paggamit nito.

 

 

Binanggit nito,  normal pa naman ang suplay ng tubig sa Angat Dam na nasa 197.29 meters na pangunahing source ng tubig sa Metro Manila.

 

 

“Ganoon pa man, kailangan natin i-monitor ang kasalukuyang development sa Angat Dam, lalo na sa pagpasok ng El Niño na posibleng pumasok bago magtapos ang taon at tatawid sa susunod na taon,” dagdag ni David.

 

 

Una nang sinabi ng NWRB na may contingency plan na ang kanilang hanay sakaling kapusin ang suplay ng tubig. (Gene Adsuara)

Other News
  • F2, Perlas sasalang din sa bubble training

    Ikakasa ng F2 Logistics at Perlas Spikers ang kani-kanyang bubble training upang paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.     Target ng Cargo Mo­vers na magsagawa ng training camp sa Valentino Resort and Spa sa San Jose, Batangas.     Isinumite na ng pamunuan ng F2 Logistics ang request nito sa Games and […]

  • PDu30, patuloy ang ginagawang paglilinis sa pamahalaan

    PATULOY ang ginagawang paglilinis ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamahalaan.   Sa katunayan, binasa at inisa-isa ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng mga sinibak sa tungkulin dahil sa iba’t ibang reklamo.   “Well, just to show that we are in the process of still cleansing government, ang na-dismiss sa service, si Rodrigo — […]

  • IATF, binago ang panuntunan para sa Green Lanes para sa international arriving passengers

    BINAGO ng Inter-Agency Task Force ang mga panuntunan para sa Green Lanes para sa international arriving passengers epektibo kahapon Oktubre 14, 2021.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na para sa mga fully vaccinated foreign nationals, ang negative RT-PCR test ay required na isasagawa sa loob ng 72 hours bago pa ang kanilang departure […]