• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng tubig sa NCR, sapat sa gitna ng nakaambang El Niño -MWSS

PINAWI ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pangamba ng publiko sa agam-agam na posibleng kakulangan sa suplay ng tubig sa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon ngayong taon.

 

 

Ayon sa ahensiya, mayroong sapat na kapasidad ang Angat dam para matustusan ang kinakailangang tubig sa Metro Manila para sa nalalabing buwan ngayong taon.

 

 

Ayon kay MWSS Administrator Leonor Cleofas, sa isinagawang simulation ng technical working group (TWG) sa Angat Dam na nagsusuplay ng 90% ng kinakailangang tubig sa Metro Manila at karatig na probinsiya, nagpapakita na nananatiling nasa “comfortable” level ang antas ng tubig sa dam sa buong dry season.

 

 

Nitong Martes, nananatiling lagpas sa minimum operating level na 180 meters ang antas ng tubig sa Angat dam na nasa 203.25 meters

 

 

Inihayag din ng MWSS official na ang epekto ng El Niño na inaasahang magsisimula sa Hunyo na magtatagal hanggang unang bahagi ng first quarter ng 2024 ay mararamdaman sa huling bahagi pa lamng ng taon at sa unang bahagi ng susunod na taon.

 

 

Nang tanungin naman ang opisyal kaugnay sa inilabas na advisory ng Maynilad na water interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite kada araw, sinabi ni Cleofas na magsasagawa ng pagpupulong ang MWSS kasama ang water concessionaire ngayong araw, Miyerkules, Marso 29 upang malaman ang kanilang dahilan. (Daris Jose)

Other News
  • Abalos, target na paghusayin ang kakayahan ng PNP pagdating sa anti-cybercrime

    TARGET ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na paghusayin ang anti-cybercrime capacity ng Philippine National Police (PNP).     Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang flag ceremony sa PNP,  ipinahayag ni Abalos ang kanyang saloobin at alalahanin ukol sa tumataas na cybercrime,  kabilang na ang cyberpornography, simula ng magsimula […]

  • DOTr: PNR Clark Phase 1,2 pinabibilis ang konstruksyon

    Ang Philippine National Railways (PNR) Clark Phase1,2 project ay inaasahang matatapos ayon sa schedule matapos na ipagutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na pabilisin ang konstruksyon nito.     “We have a lot of catching to do with so little time left. I want to have this project benefitted a lot of […]

  • Mga Pinoy sa Tonga, all accounted at ligtas lahat – DFA

    LIGTAS at accounted daw ang lahat ng mga Pinoy na nasa Tonga kasunod na rin na massive undersea volcanic eruption na naging dahilan ng tsunami warnings sa Pacific na naging dahilan din ng disrupted communiation system.     Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hiniling na raw ng Association of Filipinos in Tonga Inc. […]