Suportado nina Ice, Lara at Martin: RYAN GALLAGHER, magtatanghal ng first major concert sa Manila
- Published on February 9, 2024
- by @peoplesbalita
MAGHANDA para sa isang pasabog na concert ng The Voice USA season 19 Fan favorite na si Ryan Gallagher sa “The Voice of Ryan” na gaganapin sa Music Museum sa Pebrero 17, 2024.
Kilala sa kanyang nakakaakit na classical voice, at sa nakakikilabot na pag-awit nya ng “The Prayer” ni Andrea Bocelli at Celine Dion sa kanyang audition sa The Voice USA.
Dahil dito, agad na pinili siya ni Kelly Clarkson na isa sa mga hurado ng nasabing reality show.
Ngayon, nandito si Ryan Gallagher sa Pilipinas para sa kanyang first major concert.
Makakasama ni Ryan sa entablado ang ilan sa pinaka-talented na OPM icons sa bansa kabilang ang Concert King na si Martin Nievera, Filipina Soprano na si Lara Maigue, at ang Asia’s Acoustic Icon Ice Seguerra.
“February is here, and I am overcome with excitement, or are those nerves… haha! Just the fact that I get to share the stage with Martin, Ice, and Lara is a privilege and something I will remember forever. The amount of talent is incredible!” sabi ni Ryan.
Sa “The Voice of Ryan” isho-showcase ni Ryan ang range niya bilang isang musical artist na kahit kilala siya sa kanyang galing sa classical music, kaya rin niyang kumanta ng iba pang genre ng
kanta.
Si Ivan Lee Espinosa, isang award-winning musician at arranger, ang magiging musical director ni Ryan para sa konsyerto, at si Liza Diño naman, na kilala bilang aktres at producer ay ang creative director.
Si Ice rin ang magiging stage director ng concert. Nagkakilala na sina Ice at Ryan sa US at nakapag-duet na.
Alam naman natin ang galing ni Ice pagdating sa musika at sa pagdidirek ng concert kaya nakaka-excite na makita siya na i-level up ang concert na ito.
“Prepare to witness a new side of Ryan in this concert, as I am thrilled to share his remarkable versatility. While many know him as an exceptional classical singer, I was pleasantly surprised sa range nya as a singer. As the stage director collaborating with my wife Liza as the creative director, my intention was to showcase these diverse qualities in Ryan, which led us to aptly title the show ‘The Voice of Ryan.’ The audience will have the opportunity to experience the various dimensions of his talent, spanning rock, indie, and contemporary genres. Brace yourself for an unforgettable surprise!” pagbabahagi ni Seguerra.
“I am all about storytelling. I had the incredible opportunity to be entrusted by Ice to envision and direct the creative direction for Becoming Ice, an astounding concert celebrating Ice’s 35th
Anniversary. It was a massive success. Regarding ‘The Voice of Ryan’, my inspiration stems from his remarkable journey, from where he started to where he stands today. While Ryan has always been renowned as a classical singer, we aim to showcase the various facets of his artistry by delving into his influences and tracing his evolution as a musician. Brace yourself for an unforgettable, immersive experience,” pahayag naman ni Dino.
Samantala, opisyal nang artist ng Fire and Ice si Ryan sa pagpirma nito ng kontrata, kaya magtatagal na ito sa bansa, dahil maraming inihahandang proyekto sina Ice at Liza.
Two weeks after ng kanyang launching concert, babalik siya ng Amerika para mag-ayos ng papeles at iba pang personal na bagay. Kailangan din niyang bisitahin ang mommy niya na recovering from her knee surgery, kaya di ito makakanood ng kanyang concert.
Inihahandog ng Katinko at suportado ng Baron Method at Phillip’s Fine Jewelry, ang “The Voice of Ryan” ay produced ng Fire and Ice LIVE!
Ang mga tiket para sa concert ay maaring mabili na sa Ticketworld.
Ang mga presyo ng tiket ay P1,000 (Balcony), P2,000 (orch side), P3,000 (orch gold), P4,000 (orch VIP), P5,000 (orch VVIP).
Para sa karagdagang impormasyon at mga update, bisitahin ang Fire and Ice PH sa Facebook.
(ROHN ROMULO)
-
Panukalang P5.2-T nat’l budget para sa 2023, isusumite sa Kongreso sa Aug. 22 – DBM
ISUSUMITE ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang P5.2-T national budget para sa 2023 sa Agosto 22, 2022. “We will submit the budget to Congress on August 22,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isang press conference kasunod ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting. Ang […]
-
Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go
Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakailangan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapalakas ang vaccine rollout. Sinabi ni Go na kapag […]
-
Kiamco sinargo ika-4 na titulo sa Louisiana
SINAKOP ng mga Pilipino ang unang tatlong puwesto sa katatapos na 6th Annual Buffalo’s Pro Classic Open 9-Ball Billiard sa Jefferson, Louisiana, USA. Naghari si Warren Kiamco nang manaig kay Roland Garcia sa all-Pinoy finals upang ibulsa ang $4,500. Kumita si Garcia ng $2,300 habang ang tumerserong si Carlo Biado may $1,200. […]