Supplies allowance para sa mga public school teachers dapat tiyakin – Senador
- Published on May 29, 2023
- by @peoplesbalita
MATAPOS aprubahan sa huli at ikatlong pagbasa ang Kabalikat sa Pagtuturo Act (Senate Bill No. 1964), binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na napapanahon na ang batas para gawin nang pamantayan ang pamimigay ng teaching allowance para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Nakasaad sa panukalang batas ang pagkakaloob ng teaching allowance na maaaring gastusin para sa kagamitan na kailangan sa pagtuturo, kabilang ang bayad sa iba pang mga incidental expenses, at ang pagpapatupad ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo na kinikilala ng Department of Education (DepEd.)
Para sa School Year 2023-2024, isinusulong ang teaching supplies allowance sa halagang P7,500 kada guro. Tataas sa halagang P10,000 ang naturang allowance simula SY 2024-2025.
Paliwanag ni Gatchalian, pumasa na sa Senado ang kaparehong mga panukala noong 17th and 18th Congress.
Kaya naman dapat maging prayoridad ngayong 19th Congress ang pagsasabatas ng naturang panukala.
Ayon pa kay Gatchalian, bagama’t napopondohan naman ng Kongreso ang pagkakaloob ng teaching supplies allowance sa ilalim ng national budget, matitiyak ng batas na matatanggap ng mga guro taon-taon ang naturang allowance. (Daris Jose)
-
Antas ng tubig sa Marikina River, umabot sa ikatlong alarma
NAGPATUPAD ang Marikina City Government ng forced evacuation sa kanilang mga residente at inilikas sila sa ligtas na lugar kasunod na rin ito nang tuluyan nang pag-apaw ng Marikina River, dulot ng malalakas na pag-ulan dahil sa bagyong Carina at Habagat. Mismong si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na ang nagkumpirma na […]
-
Gobyerno dapat maghanap ng bagong ‘funders’ kasunod ng pag-atras ng China sa big-ticket railway project – Salceda
MARAMI pang mga ospyon ang gobyerno para mapondohan ang big-ticket railway projects. Ito’y matapos umatras ang China na pondohan ang nasabing proyekto. Ayon kay House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi na kailangan pa na i- persuade ang China para tulungan tayo uli bagkus maghahanap na […]
-
FIBA saksi sa PBA bubble
NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon. Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11. […]