• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Surfing champion ng El Salvador patay matapos tamaan ng kidlat

Patay matapos tamaan ng kidlat ang 22-anyos na surfing champion ng El Salvador na si Katherine Diaz.

 

 

Ayon sa surfing federation ng El Salvador, nasa gitna ng El Tunco ang 22-anyos na surfing champion ng tamaan ng kidlat

 

 

Hindi na naagapan ang buhay ng biktima ng ito ay dalhin sa pagamutan.

 

 

Kuwento ng kaniyang tiyuhin na si Beto Diaz, na tumilapon din ito matapos ang pagtama ng nasabing kidlat.

 

 

Nagsasanay kasi ang 22-anyos na si Diaz para sa 2021 Surf City El Salvador World Surfing Games na gaganapin mula Mayo 29 hanggang Hunyo 7 sa La Bocana at El Sunzal.

 

 

Ang sinumang manalo sa torneo ay pasok na sa Tokyo Olympics.

 

 

Naging pambato na si Diaz ng kaniyang bansa sa ISA World Surfing Games at ISA World Junior Surfing Championship.

 

 

Bumuhos naman ang pakikiramay ng ilang mga surfing champion sa iba’t-ibang bansa ng malaman ang nangyari kay Diaz.

Other News
  • Chris Paul pinakawalan ng Thunder patungong Suns, kapalit ng 4 players trade

    GINULANTANG ngayon ang mundo ng NBA matapos pakawalan ng Oklahoma City Thunder ang kanilang All-Star guard na si Chris Paul patungong Phoenix Suns.   Kapalit sa pag-trade kay Paul ay apat na mga players. Dahil dito mapupunta na sa Thunder sina Ricky Rubio, Kelly Oubre, Jalen Lecque, Ty Jerome at ang first-round pick sa pagitan […]

  • KAUNTI na lamang ang Chinese ships sa Escoda (Sabina) Shoal dahil sa masamang panahon.     Ito ang sinabi ni National Maritime Council (NMC) spokesperson Undersecretary Alexander Lopez sabay sabing ang kalikasan ay kakampi ng Pilipinas.     “Kung ang time frame natin is before yung umalis ang (BRP Teresa) Magbanua marami talaga. Pero nung […]

  • Maraming nag-attempt pero walang nagtagumpay: LLOYD, marunong um-exit ‘pag ramdam na ang harassment

    CRUSH at pantasya siya noon mapa-babae man o bading ang sikat na matinee idol noong Dekada ‘80 si Lloyd Samartino.   Kaya naman sa panayam namin sa kanya, dahil talamak na nangyayari ngayon sa showbiz ang issue ng sexual harassment, hiningan namin si Lloyd ng komento tungkol dito.   At umamin siya na noon pa […]