Susan, ni-reveal na na-confine last year dahil sa pneumonia; traumatic ang experience kahit COVID-19 negative
- Published on January 15, 2021
- by @peoplesbalita
NI–REVEAL ng Unang Hirit host at broadcast journalist na si Susan Enriquez na na-confine siya sa ospital noong May 2020 dahil sa pneumonia.
Three days daw siyang na-confine sa COVID-19 ward dahil pinagsuspetsahang nahawaam siya ng naturang virus. Naging traumatic daw ang experience niyang iyon dahil sa ospital siya nag-birthday at wala siyang kasama.
Pero lumabas na negative siya sa COVID-19 at nakalabas siya agad ng ospital at nag-quarantine na lang sa kanyang bahay.
Kaya naging mas maselan ngayon si Susan sa kalinisan dahil hindi raw natin alam kung kelan tayo mahahawa sa sakit.
“Dapat lagi tayong magiging malinis sa ating sarili kasi tama naman ‘yun, e. Lagi namang may virus, laging may bacteria, laging may germs. Nagkataon lang na napakatalas nitong COVID-19. Siguro ‘yun ang hindi dapat nawawaglit sa atin. Lagi tayong conscious about our hygiene,” diin pa niya.
Pati raw sa pagkain, mainam ang kumain ng mga sariwang gulay at prutas para lumakas ang resistensya ng katawan sa anumang sakit. Kaya sa kanyang farm, lagi raw nag-aani si Susan ng mga tinatanim niyang mga gulay.
“Most of my weekends talaga ay sa farm. Kasi marunong ako magluto. Halimbawa, ang plano ko, ‘pag may bunga na ‘yung mga gulay maggigisa ako ng amplaya, patola, tortang talong. Yung mga pagkaing Pinoy kasi ‘yun lang naman ang kaya kong iluto dahil hindi naman ako chef, hindi naman ako nag-aral ng culinary.
“Gusto ko i-promote ang healthy diet, ang healthy food, healthy lifestyle. ‘Yun ang gusto ko mangyari at magawa. May awa ang Diyos, e, magawa ko ‘yan sa 2021.”
Magtatayo rin ng mini cafe sa kanyang mini farm si Susan na ang nasa menu ay mga sariwang gulay na tinanim niya.
***
DAHIL hindi pa makabalik mula Ireland si Glaiza De Castro, ginamit niya ang pagkakataong ito na maka-bonding ang pamilya ng kanyang fiance na si David Rainey.
December 14 noong dumating sa Ireland si Glaiza at doon na siya nag-Pasko at Bagong Taon.
Mas nakilala ni Glaiza ang kanyang mga magiging future in-laws sa pakikipag-bonding sa mga ito.
Una niyang na-meet ni Glaiza ang family ni David ay noong February 2019 sa England noong 30th birthday ni David at ng kakambal nito.
Sa Instagram account ni David, makikita na enjoy si Glaiza kasama ang kanyang pamilya. Sa isang photo, makikita na naka-yoga pose sina Glaiza at David kasama ang ina, ama, at kapatid ni David.
Bukod sa pakikipag-bonding kasama ang kanyang future in-laws, sinulit din ni Glaiza ang kanyang bakasyon sa Ireland sa pamamagitan ng pagbisita sa ilang magagandang lugar doon.
Kapag puwede nang makabalik ng Pilipinas si Glaiza, magsisimula na ito sa lock-in taping ng pagbibidahan
niyang teleserye sa GMA na Nagbabagang Luha.
Kasama niya rito sina Rayver Cruz, Claire Castro, Mike Tan, at Myrtle Sarrosa.
***
ON January 17, turning 99-years old na ang only living star ng The Golden Girls na si Betty White.
Nitong COVID-19 pandemic, iningatan si Betty ng mga nag-aalaga sa kanya. Nasa kuwarto lang daw ito ng kanyang bahay pero nagiging productive pa rin daw ito sa ilang at-home activities.
“Betty is in good health and spirits. She would like to interact with her friends but couldn’t due to social distancing guidelines. She does occupy her time with plenty of other safe activities. Crossword puzzles are no match for Betty. She reads a number of newspapers, watches select television and gets a lot of exercise in her home walking up and down bedroom stairs,” sey ng rep ng aktres.
Sa mga nakaka-miss kay Betty, ilalabas sa ilang digital platforms and DVD ang kanyang show noong early ‘70s na The Pet Set. Lalabas ito on February 23, 2021, in honor of its 50th anniversary.
“The DVD set includes 39 half-hour episodes with celebrity guests such as Carol Burnett, Mary Tyler Moore and Burt Reynolds as well as a wide range of animals like tigers, elephants and gorillas,” ayon sa rep ni Betty.
Hindi raw natuloy ang paggawa ni Betty ng Christmas movie for Lifetime noong May 2020 dahil sa pandemic.
“We’re all still dreaming of a white Christmas with Betty White — unfortunately we will have to wait. The movie is was pushed this year due to COVID filming restrictions,” sey ng taga-Lifetime.
Last public appearance ni Betty ay noong September 2018 sa 70th Primetime Emmy Awards. (Ruel J. Mendoza)
-
Ulo gugulong sa SRA sa pag-angkat ng asukal
INIIMBESTIGAHAN na ng Malacañang ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration matapos maglabas ng hindi awtorisadong resolusyon para mag-import ng 300,000 metriko tonelada ng asukal. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim […]
-
Apat na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa
APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa. Inaprubahan ni Pangulong Duterte na makapag- operate sa loob ng 25 taon ang mga broadcasting company gaya ng Soundstream broadcasting corporation, Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network. […]
-
LeBron at Davis muling dinomina ang 16th win ng Lakers vs Hawks, 107-99
Muli na namang nagsama ng puwersa sina LeBron James at Anthony Davis upang tulungan ang Los Angeles Lakers na iposte ang kanilang ika-16 na panalo laban sa Atlanta Hawks, 107-99. Nagtala si Davis ng 25 points, habang si LeBron naman ay nagpasok ng 21 points, liban pa sa kanyang all around game. […]