• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUSPEK SA PAGKAMATAY NI DACERA, INIREKOMENDANG SAMPAHAN NG NBI

INIREREKOMENDA na ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang pagsasampa  ng mga kasong criminal  laban sa mga suspek  sa pagkamatay ng flight attendant  na si Christine Dacera.

 

Inihain ng NBI ang kasong may kinalaman sa illegal drugs, perjury, obstruction of justice, reckless imrpudence resulting to homicide, falsification of official document by a public officer sa mga personalidad na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkamatay ng flight attendant.

 

Kabilang sa pinasasailalim sa preliminary investigation ng DOJ ay sina Ploce Major Michael Nick Sarmiento, Medico Legal Office ng Southern Police District Crime Laboratory dahil sa kasong Fasification of Public Documents; Mark Anthony Rosales; John Pascual Dela Serna III; Darwin Joseph Macalia; Gregorio Angelo Raael De Guzman; Jezreel Rapinan; Alain Chen; Reymar Englis; Atty Neptali Maroto; Louie De Lima; at Rommel Galid.

 

Kasong obstruction of justice naman ang inirekomenda ng NBI laban kina  Mark Rosales, Rommel Galido, John Dela Serna, Gregorio de Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymay Englis, Darwin Macalla, na mga occupant sa inimbestigahan room sa hotel kung saan naganap ang insidente ng pagkamatay ni Dacera.

 

Dawit din sa obstruction of justice ang kanilang counsel na si Atty. Neptali Maroto habang si Mark Rosales ay pinalilitis sa kaso ng bawal na droga.

 

Batay sa imbestigasyon ng NBI, tinangka ni Rosales at Galido na mamigay ng iligal na droga kay Dacera.

 

Samantala, nakakalap ng ebidensiya ang NBI upang panagutin sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sina Dela Serna, Rapinan, Chen at Delima. (GENE ADSUARA)

Other News
  • May concert series at musical play kasama si Regine: OGIE, todo ang suporta sa pagbabalik-Big Dome ni MARTIN

    NAGING matagumpay ang ginanap na trade launch noong Huwebes (May 23) ng ATeam (Alcasid Total Entertainment and Artist Management Inc.) ang company na pinamumunuan ng OPM Icon na si Ogie Alcasid. Kasama sa naturang big event sina Martin Nievera, Vhong Navarro and Jhong Hilario with the Streetboys, Lara Maigue, Gian Magdangal, Amy Perez, Randy Santiago, […]

  • PBA gusto nang lumaraga sa June 15

    Target ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang PBA Season 46 Philippine Cup sa Hunyo 15.     Ito ang inihayag ni Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua matapos makakuha ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IAFT) para sa training at scrimmages ng 12-koponan.     “We are thinking of June 15,” ani […]

  • Ads January 13, 2022