Suspek sa pagpatay sa opisyal ng HPG, nasa Camp Crame na
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
SUMUKO na ang driver ng negosyanteng nakaengkuwentro ng mga tauhan ng Cavite Provincial-Highway Patrol Team na ikinamatay ng isang opisyal at ng suspek matapos silang sitahin dahil walang plaka ang sinasakyang Nissan Terra sa Manila -Cavite Road Barangay 8, Pulo 3, Cavite City.
Ang suspek na dinala kaninang umaga ng mga tauhan ng SOD- HPG sa Camp Crame Quezon City sa pamumuno ni PCMS Edison Manocum ng Cavite City-PNP ay kinilalang si Reymundo de Leon Suniga, 34, tubong Barangay Salomague, Bugallon, Pangasinan.
Matatandaan na nitong November 6, 2020 habang nagsasagawa ng Anti-Carnapping Operation ang mga miyembro ng Cavite Provincial Highway Patrol Team ay namataan nila ang Nissan Terra ng mga suspek na walang plate num- ber at conduction sticker.
Sinita ng mga pulis ang mga suspek at hinanapan ng dokumento ng sasakyan subalit nagpakilalang mga Navy.
Nang walang maipakitang dokumento ang mga suspek, kaagad na pinaputukan ng napatay na suspek na si Methusael Brown Cebrian ang mga tauhan ng HPG gamit ang isang caliber 5.56 Bushmaster.
Namatay noon din PCMS Julius Arcallas at ikinasugat nina PSSg Emerson Domingo ,P/Capt Eduardo Joy Guadamor at isang bystander na si Eduardo Magbana ng Barangay 8 Pulo 3 Cavite City.
Habang kasagsagan ng engkuwentro ay mabilis na tumakas siya.
Narekober ang sasakyan ng mga suspek silver gray na Nissan Terra na mayroon nang plaka na F2 G911 matapos abandonahin ng sumukong driver sa Alabang. (Gene Adsuara)
-
Papal Nuncio, umapela ng dasal sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis
UMAPELA ng dasal si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis. Una ng isinugod sa ospital ang 86 anyos na Santo Papa sa Roma dahil sa respiratory infection. Nanawagan ang Papal Nuncio sa mga Pilipino na isama sa kanilang […]
-
MOA ng EDSA busway bridge nilagdaan
Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) sa isang kasundaan sa pagitan ng mga kumpanya tulad ng SM Prime Holdings, DM Wesceslao and Associates Inc., at Double Dragon Properties Corp. para sa pagtatayo ng EDSA busway bridges. Ang mga bridges ay magkakaron ng concourse na poponduhan ng tatlong nasabing kumpanya. Ito ay magbibigay ng ligtas, […]
-
40th Anniversary ng ‘Himala’, ipagdiriwang sa Disyembre… Sen. IMEE, NORA at CHARO, reunited at pinarangalan sa ‘FAMAS Awards 2022’
REUNITED sina Senator Imee Marcos, Superstar Nora Aunor at Ms. Charo Santos-Concio na pawang pinarangalan sa FAMAS Awards 2022. Naka-trabaho ni Sen. Imee sina Nora at Charo sa ‘Himala’ at ngayong Disyembre, ipagdiriwang ang ika-40 na anibersaryo ng naturang pelikula, na prinodyus ng senadora noong 1982 sa pamamagitan ng Experimental Cinema Of The […]