SUSPEK SA PAGPATAY SA SCAVENGER, ARESTADO
- Published on February 14, 2022
- by @peoplesbalita
ARESTADO sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng MPD-Station 1 ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang 15 anyos na scavenger sa Tondo,Maynila .
Ayon kay MPD-PIO P/Major Philipp Ines, MPD-PIO, kasong murder ang kinakaharap ngayon ng mga suspek na sina Ellan Crisostomo,22, miyembro ng Commando gang; John Andrey Villanueva,21 at si Prince Jack Cabigao, 18,kapwa miyembro gn Sputnik gang at pawing mga taga Tondo.
Napag-alaman na nagtungo sa tanggapan ng nasabing istasyon ng pulisya ang testigong si Renante Balladares na siyang nakakita sa pangyayari nang mabaril at mapatay ang biktimang si Reymart manlangit, 15 anyos sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd., malapit sa kanto ng Jacinto St., Tondo upang magbigay ng impormasyon hinggil sa mga suspek.
Agad namang ikinasa ang joint follow up operation ng mga tauhan ng Smokey Mountain PCP at MPD-Station 1 na nagresulta ng pagkakadakip sa tatlong suspek sa eskinita sa Varona St., Tondo.
Narekober sa mga suspek ang isang .357 caliber revolver , .38 caliber revolver ,mga bala at butcher knife.
Nakatakdang iharap sa Manila City Prosecutors Office ang mga suspek para sa Inquest proceedings. (GENE ADSUARA)
-
Ads December 7, 2021
-
Netizens, nilait-lait ang logo ng newest free TV network: WILLIE, pumirma na ng kontrata kaya tuloy na ang pag-ere ng AMBS 2
TULOY na tuloy at wala nang urungan ang operasyon ng Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS Channel 2 na pag-aari ng pamilya ni Manny Villar. Ang AMBS 2 ang newest free TV network sa bansa na ang frequency ay dating pag-aari ng ABS-CBN. At isa nga sa aaabangan ang pagbabalik ng […]
-
Ads March 3, 2023