• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suspensiyon sa deliberasyon sa pondo ng PCOO, pinalagan ni PCOO Usec. Badoy

Unfair!

 

Ito ang naging pahayag  ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy matapos suspendihin ang budget hearing na may kinalaman sa proposed budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

 

Ayon kay Badoy, hindi makatuwiran  na nagkaroon ng delay sa budget deliberation na ayon sa Makabayan bloc ay dapat lang na isisi sa kanya.

 

Giit ni Badoy, hindi naman dapat na madamay ang PCOO sa usapin ng red tagging sa mga kongresistang kabilang sa Makabayan bloc.

 

Ang kanyang tindig aniya kontra sa mga mambabatas na binigyan niya ng red tagging ay kanyang posisyon bilang tagapag- salita ng National Task force to End Local Communist Armed Conflict na nasa ilalim ng National Security Council (NSC).

 

Kaya ang sabi ni Badoy,  hindi naman patas na pati ang pagtalakay sa budget ng PCOO ay nadamay sa isyu lalot ang pokus ng Communications office ay nasa information dissemination.

 

Kung may maaapektuhan aniya ng deliberasyon sa pondo, ito ay sa hanay dapat ng NSC. (Daris Jose)

Other News
  • Nag-donate naman ng ambulansya sa ospital: Pinupuring ‘Love is Essential’ campaign ni GRETCHEN, tuloy-tuloy lang

    MAGBABALIK na sa Siargao ang pamilya ni Andi Eigenmann pagkaraan ng ilang buwang paninirahan sa Maynila.     Hindi raw agad umuwi sina Andi pagkatapos tumama ang typhoon Odette sa isla noong December 2021.   Post ni Andi sa Instagram: “Last series of snaps with this concrete jungle as background. I know the scenic coconut […]

  • Ads July 6, 2023

  • CRISTINE, nanghihinayang na ‘di natanggap ang Best Actress award para sa ‘Untrue’; dadalo na ‘pag may filmfest entry

    NANGHIHINAYANG si Cristine Reyes na hindi na natanggap personal ang Best Actress award which she won for the movie Untrue, na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.     “Hindi naman kasi ako nag-expect na mananalo so when Viva asked me kung gusto kong pumunta sa festival, I turned them down,” kwento ni Cristine sa presscon […]