• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suspensyon ng mga major sports events, pinaboran sa Kamara

SUPORTADO ng chairman ng House Committee on Youth and Sports Development ang desisyon na pansamantalang suspindihin ang ilang sports events kabilang na ang pagho-host ng Pilipinas sa 10th ASEAN Para Games (APG).

 

Ayon kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, ito ay bilang pagtugon na rin sa naging advisory ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pangamba sa coronavirus disease o Covid-19.

 

Kaugnay nito, inirekomenda naman ni Martinez sa Philippine Sports Commission (PSC), na siyang mangangasiwa sa naturang international sports event na gawing main venue ang kaaayos na Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa biannual multi-sport event para sa mga athletes with physical disabilities.

 

“Originally, as what Mr. Michael Barredo, the president of the Philippine Paralympic Committee (PPC), said during our last committee hearing, they will have New Clark City (NCC) Athletics Stadium in Capas, Tarlac as its main venue while there will be other sports events to be done in Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) for 10th ASEAN Para Games. But since the NCC, particularly the Athlete’s Village is now being use by our government as a quarantine facility, I believe that it would be best for the PSC and the PPC as well, to transfer their venue to RMSC,” anang mambabatas.

 

Dagdag pa ni Martinez na sa kabila na may mga ginagawa pang renovations sa ilang pasilidad ng RMSC, ay kumpiyansa siyang matatapos ito sa takdang pagbubukas ng 10th Para Games sa rescheduled date sa Mayo.

 

Suportado rin nito ang pahayag ng Philippine Basketball Association (PBA) na ilipat ang season opening kasama na ang 10th season’s staging ng D-League bilang “as a safety measure following the report of Covid-19 cases in the country.” (Ara Romero)

Other News
  • Kaya tuloy na tuloy pa rin ang ligaya: TITO, VIC & JOEY, na-retain ang creative control sa ‘Eat Bulaga’

    TIYAK na ikatutuwa ng mga fans at followers ng long-running noontime variety show na “Eat Bulaga,” ang post na “Tuloy ang ligaya! TVJ to retain creative control of “Eat Bulaga” as Jalosjos family agrees to stand down. – Eat Bulaga was at risk of a major overhaul due to a feud between its stakeholders.  But […]

  • PDu30, natupad ang pangako na dadalhin ang kapayapaan sa Mindanao

    SA PAGTATAPOS ng kanyang termino sa nalalabing tatlong buwan, naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagawa at nagampanan niya ang kanyang pangako na dalhin ang kapayapaan sa Mindanao.     Sa isang panayam sa Pangulo ni Pastor Apollo Quiboloy na inere, araw ng Sabado ng SMNI, binigyan ng kredito ng Pangulo ang mga lider […]

  • Pinaka-proud ang boyfriend na si Jeric : Achievements ni RABIYA para sa sarili, ikinatuwa ng marami

    ISANG pakikiramay sa actress/director na si Bela Padilla sa pagpanaw ng kanyang ama, ang British National na si Cornelio Sullivan.       Ipinost ni Bela ang mahaba niyang message sa kanyang Instaram account, kasabay ang mga larawan na kasama niya ito mula bata.       Ayon kay Bela, her father was able to […]