Suspensyon ng NLEX business permit inalis na
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
Muling binalik ni Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City ang nasuspending business permit ng North Luzon Expressway (NLEX) Corp.
Kung kaya’t muling makapagkokolekta ng toll fees ang NLEX sa mga motorista na dumadaan sa nasabing expressway.
Napagkasunduan ng dalawang partido kasama si Gatchalian at NLEX na aalisin ang barriers mula 5:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi upang makatulong sa pagbilis sa daloy ng mga sasakyansa mga toll gates.
“The toll barriers will be put down from 10:01 to 4:59 to address authorities’ concerns about the truck ban and the entry of unauthorized vehicles and lawless elements,” wika ni Gatchalian.
Napagkasunduan at nagusap din ang dalawang Partido dahil sa gitna ng mga complaints ng mga motorista tungkol sa pagsisikip ng daloy ng traffic gawa ng sirang frequency identification (RFID) sensors sa mga tollways.
Napagkasunduan din na ibalik ang cash lanes sa mga strategic na toll plazas, magkaron ng upgrading ang mga RFID cashless payment system at magbuo ng isang technical working group kung saan paguusapan kung paano mapagaganda ang traffic at account management.
Nilagdaan ni Gatchalian ang Executive Order No. 2020-338 na conditionally na inaalis ang suspension ng NLEX business permit pagkatapos ng lumagda sa isang deed of undertaking ang NLEX.
Si NLEX Corp. president at general manager J. Luigi Bautista ay pumayag na alisin ang barriers upang magkaron ng isang barrier-less toll plaza sa mga darating na panahon.
“The company has a plan of shifting to an open road tolling system using gantries instead of barriers in the next two to three years,” ayon kay Bautista.
Dagdag naman ni Garchalian na kung hindi tutupad ang NLEX sa kanilang kasunduan ay mapipilitan silang muling suspendihin ang business permit nito.
Nangako rin ang NLEX Corp na magkakaron ng upgrading ang kanilang RFID system upang magkaron ng real time loading at maiwasan ang untimely credit, pagagandahin din nila ang applications upang ito ay maging isang user-friendly, paiikliin ang registration process, kasama pa ang iba na nakasaad sa kasunduan na may deadline na kanilang gagawin hangang Jan.30, 2021.
Nilinaw naman ni Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) spokesman Romulo Quimbo na ang mga barriers-up system ay ipapatupad lamang sa Valenzuela kung saan mayron itong anim (6) na toll plazas. (LASACMAR)
-
Filipinas wagi kontra Cambodia 5-0
NAGING maganda ang pagsisimula ng Philippine womens’ football team na Filipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ito ay matapos na tambakan nila ang Cambodia 5-0. Unang nakapuntos ang Filipinas sa 27 minuto ng maipasok ni Isabella Flangan ang goal. Ito ang unang official match ng Filipinas […]
-
Pagpatay sa kandidatong Vice Mayor sa South Cotabato, kinondena
KINONDENA ng Commission on Elections (Comelec) ang insidente ng pamamaril sa isang kandidato sa pagka-bise alkalde sa South Cotabato. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, walang puwang sa demokrasya ang ganitong uri ng mga pagpatay kung kaya’t dapat lamang na kinokondena. Sinabi ng poll chief na hindi pa matatawag na election related […]
-
Nag-react si Ogie at humihingi ng paliwanag: ALFRED, binabatikos dahil sa klase ng pamumulitika
MARAMI ang nag-react at kung anu-anong negatibong komento mula sa netizens sa aktor at Q.C. District V Councilor na si Alfred Vargas. Ito ay kaugnay sa pahayag ng mambabatas tungkol sa istilo ng mga kalaban niya sa pangangampanya. Maski ang kilalang showbiz insider na si Ogie Diaz ay napareak sa kumakalat na video ng konsehal. […]