• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Susuportahan ni ex-Pres. Duterte ‘pag nag-senador… Update sa ‘Vagabond 2’ ni LEE SEUNG GI, inaabangan mula kay Manong CHAVIT

ANO na kaya ang latest update sa sequel ng ‘Vagabond’, ang action thriller K-drama na pinagbidahan nina Bae Suzy at Lee Seung Gi na pinalabas noong September 20 hanggang November 23, 2019?

 

 

 

 

Naibalita last April na ang ‘Vagabond Season 2’ ay nakatakdang mag-shoot sa bansa natin, na kung saan sinasabing muling magsasama ang dalawang sikat na Korean actors.

 

 

 

Si Former Ilocos Sur Governor Chavit Singson nga ang naglabas ng balita, dahil isa rin siya sa producers ng ‘Vagabond Season 2’. Isiniwalat pa niya tapos na raw ang ilang bahagi ng K-drama at iba pang eksena ay kukunan nga dito sa Pilipinas, at kasama soon ang Vigan, Ilocos Sur, na nabisita na ni Lee Seung Gi.

 

 

 

Ayon pa sa businessman, naka-focus daw ang mga producers sa script first, kaya abangan na lang kung magbabalik sina Lee Seung Gi and Bae Suzy sa second season ng ‘Vagabond’.

 

 

 

Ayon pa isang interview ni Manong Chavit, “Sinasama niya ‘yung mga writer, producer, napapagkuwentuhan namin, in fact nagpunta na sila Vigan. ‘Pag natuloy ‘yun, I will announce it formally.

 

 

 

“Gusto kasi nila tuluy-tuloy na ang shoot. Halos isang buwan na yata nilang tinatapos ang istorya. Ganun sa Korea, gusto nila nakalatag na ang kuwento.”

 

 

 

Anyway, bukod sa pagiging producer at businessman, parang nangangamoy ang pagbalik niya pulitika.

 

 

 

Pero hindi pa raw decided kung kakandidato ulit sa pagka-senador sa 2025 si Manong Chavit, dahil pinag-iisipan pa niya itong mabuti.

 

 

 

Pero balitang-balita na ngayon na susuportahan siya ni former President Rodrigo Duterte, sakaling tumakbo siyang senador sa susunod na halalan. Sinabi nito na isa nang batikang politiko ang kaniyang kaibigan.

 

 

 

Sambit ni Duterte sa pre-recorded “Basta Dabawenyo” podcast na ibinahagi ni Davao City Mayor Baste Duterte sa kanyang YouTube channel, “In everyday life, his long experience in politics means he understands the Filipino problems that must be addressed (by the government).”

 

 

 

Dagdag pa ng dating pangulo, “Graduating cum laude or summa cum laude does not guarantee an understanding of the real issues facing the community.”

 

 

 

Susuportahan din ni Duterte ang mga senatorial candidate na tunay na makakatulog sa ating bansa at uunahin ang kapakanan ng mga Pilipino.

 

 

 

Well, abangan na lang natin kung ano ang magiging sagot dito ni Singson sa mga susunod na buwan.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Other News
  • Pagtapyas sa pondo ng DepEd sa 2025 national budget, ikinalungkot ni Angara

    IKINALUNGKOT ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang pagtapyas sa pondo ng departamento mula sa pinal na bersyon ng 2025 budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee.       Nakalulungkot aniya na ang malaking bulto ng tinapyas na budget, nagkakahalaga ng P10 bilyon ay nakalaan pa naman sa computerization program ng DepEd. […]

  • SANGGOL, NA-ADMIT NA MAY COVID SA PGH

    KINUMPIRMA  ni  PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na mayroong na-admit ngayon sa kanilang ospital na sanggol at pito pang bata na nasa edad 15 taong gulang  na tinamaan ng COVID-19.   Ayon kay del Rosario, sa ngayon hindi pa klaro kong saan  nakuha ng sanggol ang virus dahil ang kanyang nanay ay negatibo sa […]

  • Vietnam humiling ng karagdagang araw para sa pinal na desisyon kung matutuloy ang SEA Games

    Humiling pa ng ilang araw ang Vietnam para pagdesisyunan ang kapalaran ng Southeast Asian Games kung ito ba ay matutuloy o kakanselahin.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na humirit ng 14 na araw ang Vietnam bago nila pagdesisyunan kung matutuloy ba o iaantala ang torneyo.     Sa […]