• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suzara nanawagan kay Tolentino

PINAKIKIUSAPAN ng National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) ang Philippine Olympic Committee (POC) na ibahin ang desisyon sa pagtanggap sa miyembro na umaangking lehitimong national sports association (NSA) sa esports habang wala pang kinikilala ang International Olympic Committee (IOC) na  international federation (IF) para sa sport.

 

Isinalaysay ni NESFP President Ramon Suzara kay POC President  Abraham Tolentino sa isang liham, na wala pang binasbasan ang IOC na IF para sa esports  at ang NESFP – hindi ang PESO – ang dapat maging NSA sa sport dahil ito (NESFP) ang nagdaraos, pumili at nagsanay na mga nanalo ng gold medal na atleta sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 nang maging medal sport sa unang pagkakataon ito sa palaro.

 

“On behalf of the NESFP, I urgently seek a reconsideration of your decision to accredit the Philippine eSports Organization [PESO] as an associate member NSA for electronic sports instead of NESFP,” giit ni Suzara sa sulat na may petsang Setyembre  2.

 

Tinanggap ng POC, sa virtual General Assembly nitong Agosto 29, ang PESO bilang kasapi – sa rekomendasyon ni Membership Committee head Bones Floro – sa kasunduang kaanib na sa International Esports Federation (IESF), na nagsasabing  kinikilala na ng  IOC.

 

Pero binisto ni Suzara na walang pang basbas ang IESF sa IOC at hindi pa rin sa kasama ito sa Global Association of International Sports Federations (GAISF). (REC)

Other News
  • Drug money sa Barangay, SK elections babantayan ng PNP

    HINDI  lamang mga private armed groups ang babantayan ng Philippine National Police (PNP) sa barangay at Sangguniang Kabataaan elections sa Oktubre kundi maging ang drug money.     Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Redrico Maranan, posibleng kumalat ng drug money o pera galing sa transaksyon ng iligal na droga sa panahon ng […]

  • LRTA: Wala munang fare hike sa LRT 1 & 2

    KAHIT pumayag na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaroon ng fare hike sa Light Transit Lines 1 & 2 ay wala pa rin mangyayaring pagtataas ng pamasahe.     Ang nasabing desisyon ng LTFRB ay hindi pa final dahil wala pang approval mula sa board ng Light Rail Transit Authority (LRTA). […]

  • Kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects: ALEXA, mahilig talaga sa alahas kaya nireregaluhan ang sarili

    MAHILIG sa alahas si Alexa Ilacad kaya bagay siyang endorser ng Manila Diamond Studio na may bagong branch sa 5th Floor ng Edsa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City.     Nireregaluhan raw ni Alexa ang kanyang sarili ng alahas kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects niya.     “Yes, actually! Kaya […]