• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG

KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila.

 

Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test.

 

Giit ni Sec. Roque, hindi dapat na nakapasok sa airport ang ganitong uri ng pananamantala lalo’t isang pribelehiyo ang ibinibigay sa mga may kalakalan sa paliparan.

 

“Well, iyan po ay nanggaling kay Senator Richard Gordon bagama’t alam ninyo naman po ang access sa NAIA ay restricted at in-assure naman po tayo ng NAIA na ang lahat po na pumapasok na mga PCR test personnel ay namu-monitor naman po nila.

 

So minabuti pa rin po na magkaroon ng imbestigasyon diyan pero ang assurance po sa atin, dahil restricted nga po iyang airport, eh mukhang malabo naman daw po iyan mangyari,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaya ang panawagan ni Sec. Roque sa publiko lalo na sa mga nagbayad ng P20, 000 sa kada swab test sa airport ay mangyaring magbigay ng kanilang testimonya.

 

Sa ganitong paraan ayon kay Sec. Roque ay maaaring mapa- alis ang naturang swab testing company na grabe ang ginagawang paniningil sa kada salang sa COVID 19 testing.

 

“Kung mayroon po talagang nagbayad ng P20,000 eh magbigay sana po sila ng testimonya nang sa ganoon eh mapaalis natin sa airport iyan ‘no, dahil iyong mga nagsasamantalang ganiyan po hindi dapat nakakapasok ng airport dahil pribilehiyo naman po iyong binibigay nating negosyo sa kanila kapag sila po ay magbibigay ng PCR testing sa mga bumabalik na OFWs at mga Filipi- nos at iba pang mga dayuhan na pumapasok po sa airport,” lahad nito. (Daris Jose)

Other News
  • Pinoy na walang trabaho sumirit sa 2-M sa paglobo ng inflation rate

    LUMOBO sa 3.9% ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Marso matapos ang panandaliang pagbaba noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules. Umabot na kasi sa dalawang milyon ang walang trabaho sa Pilipinas, ayon sa March 2024 Labor Force Survey na inilathala ng PSA ngayong Miyerkules. Mas mataas ito kaysa sa unemployment rate […]

  • CELINE DION DROPS LYRIC VIDEO OF “LOVE AGAIN” ORIGINAL THEME SONG

    FALL in love with the brand new music from the one and only Celine Dion as she unveils the  official lyric video for the original theme song of Love Again, the eagerly anticipated romantic comedy from Columbia Pictures.     Check out the video below and watch the film soon in cinemas across the Philippines. […]

  • Ads December 6, 2023