SWS survey na nagsasabing bumuti ang lagay ng 32% adult Filipino, pruweba na epektibo ang hakbang ng gobyerno kontra Covid response–Malakanyang
- Published on June 20, 2022
- by @peoplesbalita
LABIS na ikinatuwa ng Malakanyang ang pinakahuling survey ng SWS na nagsasabing 32% ng adult Filipino ang nagpahayag na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa 24% noong December 2021.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang kasalukuyang pandemic response ng pamahalaan.
Aniya, nagawa ng gobyernong Duterte na mabalanse ang pagtugon kapwa sa aspetong pangkalusugan at pang- ekonomiya.
Malinaw aniya na lumabas sa survey na tuloy-tuloy na ang pagtakbo ng ekonomiya ng bansa at pagbangon nito.
Ito’y sa gitna ng dapat pa ring ipagpatuloy na pagmamatyag at pagbabantay sa mga bagong COVID-19 variants.
“We note the latest Social Weather Stations (SWS) Survey showing 32% of adult Filipino respondents thought their lives had gotten better off in April 2022 compared to 24% who had the same sentiment in December 2021,” ayon kay Andanar.
“We view this improvement an incontrovertible proof that the current government’s pandemic response is working, where we put premium on both health and the economy. It is likewise a reaffirmation that we are now on our way to full economic recovery while maintaining our vigilance with the new COVID-19 variants,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Underground powerlines at communications cables, kailangan sa mga typhoon-prone sa bansa
AYON kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, upang maprotekatahan mula sa malalakas na hangin dala ng bagyo o kalamidad ay dapat na ibaon sa lupa ang kable ng kuryente at komunikasyon. Dapat ding ipasa ang mga panukalang batas ukol sa pagmodernisa o pag-update sa national building code at national land use policy. […]
-
Testing Czar Sec. Dizon, aminadong napakahirap ma-predict ng new variants ng virus
“Very unpredictable at napakahirap i-predict ng new variant ng COVID-19” Ito ang pag-amin ni Testing Czar Sec. Vince Dizon makaraang mabulaga ang bansa sa mabilis na pagdami ng new variant cases ng virus noong nakalipas na ilang buwan na naging dahilan kung bakit kinulang ang itinayo ng gobyerno na 10,000 ICU at hospital beds […]
-
Nationwide face-to-face learning makadaragdag ng P12 bilyong piso kada isang linggo sa ekonomiya —NEDA
MAKATUTULONG ang nationwide resumption ng face-to-face o in-person classes para makabawi ang ekonomiya ng bansa mula sa COVID-19 pandemic. Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Kendrick Chua na ang pagbubukas ng lahat ng 60,743 eskuwelahan para sa “in-person learning” ay makapagpapataas ng economic activity ng […]