SYLVIA, enjoy na enjoy sa pagganap bilang Barang sa ‘Huwag Kang Mangamba’ kaya niyakap nang buong-buo
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
ENJOY na enjoy si Sylvia Sanchez sa kanyang pagganap sa karakter ni Barang sa Huwag Kang Mangamba.
Gustung-gusto niya ang kanyang role kaya niyakap niya ito nang buong-buo.
“Challenging to portray the role of Barang pero enjoy ako kasi I can play with it,” pahayag pa ni Sylvia.
Sabi pa ni Sylvia, dahil sa lock-in taping set up nila, naging maganda ang bonding ng cast.
“Para kaming isang malaking pamilya. Kung break sa taping, nagluluto kami ng food that we share with each other. Kahit na 3 hours trip lang naman para makauwi ako to be with my family, mas okay na sa akin ang set-up ng lock in kasi masaya ang bonding ng cast,” dagdag pa ni Sylvia.
***
AFTER doing mostly supporting roles sa pelikula at tv shows, bida naman si VJ Mendoza sa BL series titled Inn Love.
Mula ito sa direksyon ni Rodel Mercado kung saan partner ni VJ sng stage actor na si Migo De Vera.
Unang BL series ito ni VJ at happy siya sa oportunidad na ibinigay sa kanya ni Direk Rodel.
“Very much appreciated ko ang chance na ito na magbida sa isang BL series,” sabi VJ sa presscon na ginanap the other day.
“It’s about time na subukan ko naman na maging bida sa isang BL series na light ang tema. Very thankful nga ako kay Direk Rodel dahil naisip niya ako for the role.”
Sa Inn Love ay gumaganap si VJ ng isang writer for an ad agency. Pumunta siya sa isang resort para magsulat. Doon niya ma-meet ang karakter played by Migo who is nursing a broken heart.
Magkakaroon sila ng special friendship that will blossom into love kahit na sa una ay asiwa sila sa isa’t-isa.
“Very comfortable kami ni Migo sa mga eksena namin together,” sabi ni VJ. “Masaya kasi kasama sa set kaya vibes kami. Kung minsan lang ay sinasabihan ko siya na huwag magpapatawa para makapasok ako sa character ko.”
May nga intimate scenes sila ni Migo na dapat daw abangan ng mga viewers ng Inn Love.
Nakadalawang episodes na sila at happy naman sina VJ at Migo sa response ng mga viewers ng series.
Siyempre di naman mawawalan ng bashers ang kanilang show pero ayaw ni VJ na magpapaapekto sa mga negative comments.
“Hindi naman maiiwasan ang mga negative comments. Lagi naman may sasabihin ang mga tao. Basta ang importante lang sa amin ay we do our best na pagandahin ang show at gusto. ko rin pasalamatan ‘yung mga nagbigay ng positive comments,” sabi pa ni VJ.
(RICKY CALDERON)
-
‘The Flash’, Meets The ‘Justice Society of America’ After His Accidental Time Travel
AFTER streaming Zack Snyder’s Justice League on HBO Go, fans are now rooting for more DC films. As we await their upcoming live-action films in a few months, we can also look forward to the new animated film Justice Society: World War II. A new clip was released for the film, and it features […]
-
TOM, gustung-gusto nang makasama ni CARLA ‘pag natapos na ang kanilang lock-in taping
DESPITE the challenges of the COVID-19 pandemic, nagawa pa ring maayos nila Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang kasal na sa Nobyembre magaganap. Ayon kay Carla, wala raw nabago sa original plans nila. May mga adjustments lang dahil sa mga susundin na protocols. “Mas mahirap, given kasi pandemic ngayon, most […]
-
CODING, GAWING EPEKTIBO ng 8 sa UMAGA at 6 NAMAN sa GABI
Sa pulong ng mga Metro Manila Mayors ay pinagiisipan na sa panahon ng kapaskuhan ay alisin ang window hours ng number coding sa ilang major roads. Ang MMDA rin ay nagiisip ng mga pagbabago upang lalong mabawasan ang matinding traffic sa Metro Manila . Nangangamba naman ang mga motorista sa mga planong ito […]