SYLVIA, napagod at muntik nang sumuko dahil sa mga taong nanakit at nanglait; nawala ang pangamba dahil sa ‘Diyos’
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
PINOST ni Sylvia Sanchez sa kanyang FB page ang red carpet event na magagangap ngayong hapon na hatid ng Star Magic.
Post niya, “It’s a red carpet day with your favorite Kapamilya stars this Friday at 3 PM.
“Witness this new notch on their careers as Arjo Atayde, Maymay Entrata, Edward Barber, Francine Diaz, and Donny Pangilinan, together with Mr. Pure Energy Gary V, remain certified Kapamilyas.
“Watch the whole live event on Star Magic’s Facebook, Youtube, and Kumu accounts.
“Also availble on the following Facebook accounts: ABS-CBN, iWant TFC and TFC
Kaya mananatiling Kapamilya sina Arjo, Maymay, Edward, Francine, Donny at Gary sa muli nilang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.
Asahan ang kani-kanilang projects sa taong ito.
***
NAKAKA-TOUCH naman ang ibinahaging karanasan ni Sylvia Sanchez para sa upcoming inspirational drama series ng Dreamscape Entertainment, ang Huwag Kang Mangamba na malapit nang matunghayan sa ABS-CBN channels at A2Z Channel, gamit ang hashtag na #HindiKaNagiisa
Inamin ng premyadong aktres na may pinagdaanan siya na hindi ginusto pero kailangan dahil gustong mabuhay ang pamilya niya at mag-isa lang niyang hinarap ang mga dumating na problema.
Sabi pa ni Sylvia, “nakakapagod, kahit na gaano ka ka-strong na tao, pag puro negative, pag puro panlalait, magiging weak ka talaga. Susuko ka.”
Pero naramdaman niya na hindi pala siya nag-iisa.
“Dahil sa Diyos yung lahat ng sama ng loob ko sa lahat ng taong nanakit sa akin, nawala lahat. Bigla nalang ako nagising na may Diyos pala,” madamdamin pang pahayag ni Sylvia na tiyak na manggugulat na naman sa kanyang role na gagampanan sa Huwag Kang Mangamba. (ROHN ROMULO)
-
MMDA, tinitingnan ang mas mabigat na alituntunin sa e-bikes, e-scooters
SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tinitingnan nito na higpitan ang alituntunin o patakaran sa paggamit ng e-bikes at e-scooters kasunod ng napaulat na mga insidente ngayong taon. Ayon kay Victor Nuñez, pinuno ng traffic discipline office for enforcement ng MMDA, medyo maluwag kasi ang ahensiya sa pagpapatupad ng Land Transportation […]
-
Price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity
TINIYAK ng Malakanyang na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa matinding pananalasa ng bagyong Ulysses. “Pinapaalalahanan din ang Department of Trade and Industry na base sa Republic Act 7581 o ang Price Act, ang presyo ng mga […]
-
SIMBAHAN BILANG NEUTRAL AT PARTISAN
ANG simbahan bilang non-partisan ay hindi tulad ng pagiging neutral ayon sa opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos magpahayag ng hindi pag-apruba para sa mga kandidato sa pulitika na “magnanakaw” at “sinungaling.” “Is the Church being neutral by being non-partisan? I guess people have to understand that being non-partisan […]