SYLVIA, wagi na naman ng Best Actress sa ‘Star Awards for TV’ dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Pamilya Ko’
- Published on October 20, 2021
- by @peoplesbalita
WAGI na naman si Sylvia Sanchez dahil sila ni JM de Guzman ang top winners sa katatapos lang na PMPC’s Star Awards for TV.
Tinanghal na Best Drama Actor si JM at Best Drama Actress si Sylvia dahil sa napakahusay nilang pagganap sa Pamilya Ko na nag-uwi naman ng Best Primetime TV Series.
Last month, nanalo rin si Sylvia ng Best Actress sa Star Awards for Movies para sa pelikulang Jesusa at siya rin ang napiling National Winner for Best Actress in a Supporting para sa primetime series ng ABS-CBN na Huwag Kang Mangamba na nalalapit na rin ang pagwawakas at sa December 2 and 3, 2021 naman malalaman ang grand winner na gaganapin sa Singapore.
Wagi rin Sunshine Dizon bilang Best Single Performance By An Actress (“Magkano Ang Forever”/Tadhana) at si Seth Fedelin ang nakakuha ng Best Single Performance by An Actor (“Ilog”/Maalaala Mo Kaya)
Sa Best Supporting Actor at Actress sina Roderick Paulate (One of the Baes) at Aiko Melendez (Prima Donnas) ang nagwagi habang sina Vic Sotto at Manilyn Reynes bilang Best Comedy Actor at Comedy Actress ang nag-uwi ng tropeo.
Big winner sa Star Awards for TV si Kuya Boy Abunda na pinarangalan ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, wagi rin ang shows niya na The Bottomline at Tonight with Boy Abunda na kung saan siya rin ang tinanghal na Best Public Affairs Program Host at Best Celebrity Talk Show Host.
Si Ms. Korina Sanchez naman ang ginawaran ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.
***
KAABANG-ABANG na naman ang bagong obra ni Roman Perez Jr., ang direktor ng acclaimed at blockbuster Philippine adaptation ng The Housemaid at patuloy na tinatangkilik sa Vivamax ang Taya.
Ito ay ang sexy and heist movie na House Tour na streaming na sa October 22 sa Vivamax na pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Diego Loyzaga, Rafael Siguion-Reyna, at ang Viva’s next in line hunk na si Marco Gomez.
Siya nga ang pangatlong M.G. sa contract star ng Viva Artists Agency, after Marco Gumabao at Marco Gallo.
Sa cast nga ng House Tour, ang newbie actor ang masasabing isa sa mga pinakamasuwerte dahil sa kanyang role na siguradong magmamarka sa viewers sa maraming bansa.
Balitang una pala itong inialok ang kanyang role sa isang popular singer-actor pero pinakawalan nga ang project dahil sa takot sa COVID-19 at mag-lock-in shooting.
Kaya para talaga ito kay Marco na wala ring takot sa paghuhubad na una niyang pinamalas sa sexy movie na Silab, kaya tiyak na meron din maiinit na eksena sa House Tour.
Natanong nga si Marco, kung willing uli siyang mag-frontal sa movie, at agad naman niyang sinagot na ‘oo’, basta kailangan sa eksena. Pag-amin pa niya, tinanong daw niya si Direk Roman kung kailangan niyang mag-all out sa paghuhubad sa movie, gagawin niya. Ganun nga talaga katapang ang baguhang hunk actor na gumaganap na Buddy sa House Tour, na for sure, hindi mawawalan ng project sa Viva Films.
(ROHN ROMULO)
-
Jesus; John 19:27
Here is your mother.
-
World Bank, inaprubahan ang $600-M loan para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa Pinas
INAPRUBAHAN ng World Bank (WB) ang $600 million (₱33.2 bilyong piso) loan nakatuon tungo sa pagtaas ng market access at income para sa mahigit sa half a million na mangingisdang Filipino. Almost 60% of the poor work in agriculture in the Philippines, so accelerating the growth of agriculture and fishery is vital for […]
-
Nasalanta ni ‘Goring’ umakyat sa 196,900 katao; isa nawawala
UMAKYAT na sa 196,926 ang bilang ng mga residenteng apektado ng Super Typhoon Goring mula sa pitong rehiyon sa Luzon na apektado nito. Ayon ito sa isang ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan binanggit na 56,410 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng super typhoon. […]