Synchronized ringing of bells at pagdarasal ng oration imperata, isasagawa
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Archdiocese of Manila ang pangangalaga sa mananampalatayang apektado sa pagkansela ng mga malaking pagtitipon tulad ng Banal na Misa kasabay ng pagpapatupad ng community quarantine sa buong bansa upang makaiwas sa COVID-19.
Sa pastoral letter na inilabas ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sinabi nitong kanselado ang mga Banal na Misa sa buong arkidiyosesis mula ika – 14 hanggang sa ika – 20 ng Marso para sa kaligtasang pangkalusugan ng mamamayan.
“We are enjoined to avoid large gatherings of people to avert the further spread of the virus. We heed this call not with panic but with care for charity to others and the common good. Hence in the Archdiocese of Manila I dispense all the faithful from the obligation of going to Mass this Sunday. There will be no public celebration of the Holy Mass and no public activities in all the churches in the Archdiocese for seven days, starting Saturday, March14, till Friday, March 20,” bahagi ng pastoral statement ni Bishop Pabillo
Ayon sa obispo bagama’t malaki ang epekto nito sa bawat kasapi ng simbahan ay kina-kailangan itong sundin para sa kabutihan ng lahat at bahagi ng pagsasakripisyo.
Hindi rin ito nangangahulugan na hindi na makipag-ugnayan sa Panginoon kundi panawagan ito sa bawat isa na mas palalimin pa ang pakikiisa sa Diyos sa pama-magitan ng mga panalangin.
Dahil dito inaanyayahan ni Bishop Pabillo ang mga simbahan na magpatunog ng mga kampana hudyat ng sama-samang pagdarasal ng mananampalataya upang labanan ang mga lumaganap na COVID 19.
“Although we will not be able to come to Holy Mass, this does not mean that we no longer can come to the Lord. We should all the more strive to be in touch with Him by fervent prayer. Thus from March 14 onwards let all the bells of our churches be rung every twelve o’clock noon and eight o’clock in the evening to call all people to pray the ORATIO IMPERATA prayer to fight this virus. Let us join in this prayer. Let families gather together at 8 pm to pray as a family for divine protection. After the Oratio Imperata the families can pray the rosary and read the Scriptures. The fervent prayers of all the people of God will draw us closer to him and away from the scourge of this disease,”bahagi ng pastoral statement.
Binigyang diin din ni Bishop Pabillo na mahalagang samahan ng pagsisisi at pagkakawanggawa ang bawat panalangin lalo na ngayong kuwaresma kung saan pinaghandaan ang Muling Pagkabuhay ni Hesus.
Iginiit ng Obispo na dapat maging bukas palad ang bawat isa tungo sa kapwang nangangailangan din ng paglingap lalo sa panahon ng krisis. (Daris Jose)
-
Higit 50-M Pilipino nakapagparehistro na sa national ID system – PSA
Naabot ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang national ID registration target na 50 million para sa taong 2021. Ayon sa PSA, mahigit 50 million Pilipino ang tapos na sa kanilang Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration hanggang noong Disyembre 11. Mababatid na sa Step 2 Registration ay kailangan ng […]
-
Motorista inabisuhan ng CAVITEX sa toll pay hike simula sa Mayo 12
NAG-ABISO ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX Infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza. Ayon sa kompaniya inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at […]
-
3 drug personalities arestado sa buy bust sa Caloocan
Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang 21-anyos na bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ni […]