Taal eruption: Police assistance desk, itinayo sa mga evacuation centers
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
Mayroon nang matatagpuan na mga police assistance desk ng Philippine National Police (PNP) sa mga evacuation center kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga nagsilikas na residente dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Nais kasi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na agad makapagresponde ang mga pulis sa mga evacuee at matiyak ang kanilang kaligtasan “24/7.”
Matatagpuan ang mga police assistance desks (PADs) sa iba’t ibang evacuation centers sa apat na bayan sa Batangas kabilang ang Agoncillo, Laurel, Lemery at San Nicolas.
Ayon kay Eleazar, layunin nito na agad matulungan ng mga pulis ang mga residenteng nagsilikas.
Ang mga pulis na magmamando sa mga PAD ay magsisilbi rin na mga health protocol officers para matiyak na mayroong social distancing sa mga evacuation center.
Paliwanag ni Eleazar, nasa pandemya pa rin ang bansa kung saan mataas pa rin ang kaso ng Coronavirus Disease bukod pa sa pagkakaroon ng Delta variant na mabilis na makahawa kaya kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat.
Nanawagan din ang PNP chief sa mga residente na malapit sa tinatawag na permanent danger zone na huwag nang ipilit na pumasok dahil delikado pa rin lalo na’t may babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na posibilidad ng malakas na pagsabog.
-
Ads March 5, 2020
-
Ads March 22, 2024
-
Eala keber maging mukha ng Philippine lawn tennis
WALANG kaba kay Women’s Tennis Association WTA) rookie Alexandra ‘Alex’ Eala ang na maging mukha ng sport sa ‘Pinas sa lalong madaling panahon o maging kasing sikat ni eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa men’s professional boxing. “I don’t see it as pressure, honestly,” tugon ng 15-anyos, tubong Quezon City at PH […]