Taas pasahe, nakaamba sa Setyembre
- Published on September 1, 2022
- by @peoplesbalita
MAY nakaambang panibagong pagtataas sa singil sa pasahe sa darating na Setyembre.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Cheloy Garafil, maaaring ilabas nila ang desisyon sa susunod na buwan.
Anya may nakabinbin pang petisyon ang UV express vehicle sa singil sa pasahe bukod pa sa naunang inihain ng grupong 1-Utak, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), at Alliance of Concerned Transport Organizations (Acto).
Sinabi pa ni Garafil na panahon na para itaas ang pamasahe sa jeep lalo’t patuloy na tumataas ang presyo sa produktong petrolyo.
Ayon kay Garafil, reasonable at balanse ang magiging pasya ng LTFRB sa itataas sa singil sa pasahe.
Gayunman, hindi pa tinukoy ni Garafil kung magkano ang maaaring itaas sa pasahe.
Una rito, humihirit ang mga drayber ng jeep na dagdagan ng P5 hanggang P6 ang singil nila sa minimum na pamasahe. (Daris Jose)
-
PBBM nilagdaan ang mga batas na nagde-deklara ng holidays sa Antipolo City, Marikina, at iba pang lugar
NILAGDAAN Marcos Jr. ang mga batas na nagde-deklara ng holiday sa iba’t ibang lugar sa bansa. Pinirmahan ng pangulo ang Republic Act No. 12103 na nagde-deklara sa April 16 ng bawat taon bilang special non-working holiday sa Marikina city, para sa kanilang founding anniversary na tatawaging ‘Marikina City Day’. Nakasaad sa […]
-
ANYARE RFID!
Perwisyo at pasakit ang dinulot sa mga motorista sa unang araw pa lang ng “One Hundred Percent RFID” campaign sa mga tollways. Madaling araw pa lang, ilang kilometro na ang traffic papasok at palabas sa mga tollways. Sa report ng media ay umabot sa limang kilometro ang haba ng linya ng traffic sa NLEX at […]
-
Awiting Pamasko ni MADAM INUTZ, tagos sa puso ang napapanahong mensahe; pangakong house and lot, tinupad ni WILBERT
TULOY-TULOY ang pag-ariba ng showbiz career ni Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, ang Mama-bentang live seller ng Cavite. Dahil todo talaga ang pag-aalaga ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, na former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media influencer, at philanthropist. Bago pumasok si Madam Inutz sa Pinoy […]