Taas-singil sa kuryente, ipatutupad ngayong Marso
- Published on March 12, 2022
- by @peoplesbalita
MAGPAPATUPAD din ng taas singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Marso.
Batay sa paabiso ng Meralco, nabatid na aabot sa P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang ipatutupad nilang dagdag-singil para sa March billing.
Gayunman, mas mababa anila ito kumpara sa estimate na pagtataas dapat na P0.80- P0.90/kwh.
Anang Meralco, ang taas-singil ay katumbas ng P13 taas sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan habang P19 naman para sa mga tahanang nakakagamit ng 300 kwh monthly.
Nasa P25 naman ang dagdag sa bayarin sa kuryente na may konsumong 400 kwh kada buwan, at P31 sa konsumong 500 kwh.
Nabatid na dagdag-singil ng Meralco ay bunsod nang pagsipa ng presyo ng coal at langis sa merkado. (Daris Jose)
-
Tuloy na tuloy kahit may pandemya: SHARON, CHARO, DANIEL, CHRISTIAN at DINGDONG, ilang lang sa maglalaban-laban sa GEMS Awards
KAHIT na may pandemya, hindi nagpatinag ang GEMS – Hiyas ng Sining sa pagbibigay ng award. Headed by Mr. Norman Llaguno, inilabas na GEMS ang mga nominado sa iba’t-ibang kategorya. Virtual awarding lang muli dahil sa lockdown na naman tayo sa NCR although ang plano sana nila ay live awarding. Magaganap […]
-
BBM ipinag-utos ang pagpapaliban ng LRT fare increase
INAPRUBAHAN ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 1) subalit ipinag-utos naman ni President Marcos na ipagpaliban muna ito. Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na pinayagan nila ang Light Manila Corp. (LRMC), na siyang namamahala sa operasyon ng LRT1, […]
-
Heart, patuloy ang pamimigay ng libreng tablets sa mga kabataan
SA pamamagitan ng Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naa- abutan ng tulong ng Kapuso star Heart Evangelista sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo […]