• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tabal sumuko na sa 32nd Summer Olympic Games

TAAS kamay na si 2016 Rio de Jainero Olympian marathoner Mary Joy Tabal sa iniurong sa darating na Huly 23-Agosot 8 dahil sa COVID-19 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

 

 

Ito ang binunyag ng 30th  Southeast Asian Games Philippines 2019 silver medalist at dating pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) sa isang pnayam sa kanya sa telebisyon nitong isang araw lang.

 

 

“Ni-let go ko na ‘yung 2020 Tokyo Olympics if talagang go na siya for this year since all my postponed races dated from 2020 to 2021 are still on hold. Wala akong ma-join na confirmed marathon competitions na pwedeng mag-earn ng points going to Tokyo Olympics,” bulalas ng 31 taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Cebu na mananakbo.

 

 

Pero binigyang-diin naman ng unang Pinay marathon runner at six-time National MILO Finals queen, na kakayod pa siya ito sa iba’t ibang mga karera at puntirya ang 33rd Sumer Olympic Games 2024 sa Paris, France.

 

 

Nagbabalak na ring magpatala ang dalaga sa kasintahan niyang sundalo. (REC)

Other News
  • HEART, tuloy ang art collaboration sa frontman ng ‘Incubus’ na si BRANDON BOYD

    CLOSE to 1 million views na ang pinost ni Heart Evangelista-Escudero na video na nag-a la Audrey Hepburn siya sa tapat ng Tiffany’s in New York.     Ginaya ni Heart ang iconic scene ni Hepburn as Holly Golightly sa pelikulang Breakfast At Tiffany’s with matching black dress, pearl necklace, gloves, sunglasses at ang theme song […]

  • ‘Di magdedeklara ng martial law kahit tumataas ang COVID-19 cases sa Phl – Lorenzana

    Mariing itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang lumulutang ngayon sa social media hinggil sa pagpapatupad ng martial law upang sa gayon masolusyunan ang panibagong surge ng COVID-19 cases sa bansa.     Binigyan diin ni Lorenzana na hindi totoo ang mga balitang ito gayong wala naman talagang compelling reason para magdeklara ng martial law. […]

  • Museum na makikita ang Leni-Kiko campaign memorabilia binuksan sa publiko

    PINANGUNAHAN  ni dating Vice President at tumatayong Angat Buhay Chairperson Atty. Leni Robredo ang pagbububukas ng Museo ng Pag-Asa sa Quezon City.     Nakapaloob sa museum ang mga memorabilia sa kanyang 2022 campaign kasama ang running-mate na si dating senator Kiko Pangilinan.     Makikita rin sa loob ng museum, ang Angat Buhay office, […]