• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tagumpay ng QC, iniulat ni Mayor Belmonte sa kanyang ika-6 na SOCA

IDINAOS ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ika 6 na State of the City Address (SOCA) ni Mayor Joy Belmonte nitong lunes Oktubre 21, 2024 na ginanap sa Quezon City M.I.C.E Center.

 

 

Sa kanyang talumpati, inilahad ni Belmonte ang mga achievement ng lungsod sa ilalim ng kanyang liderato, kanya ring pinapurihan ang ilang mga departments head dahil sa mga matatagumpay na programa ng mga ito.

 

 

Binigyang-diin din niya na ang pagtitiwala ng mga QCitizen simula 2019 ay sinusuklian ng paglilingkod na tapat, mabuti, maayos at walang panlilinlang at pag-aaksaya at higit sa lahat ay walang pinagkakautangan.

 

 

Ang isa sa pinaka ipinagmamalaki ng alkalde ay ang apat na taong sunud-sunod na nakatanggap ang lungsod ng Unqualified Opinion mula sa Commission on Audit at ang kawalan ng utang ng lungsod, ayon na rin sa Department of Finance.

 

 

Ibinida din ng alkalde ang P123-B inilaan na pondo ng QC LGU para resolbahin ang mga problema sa pagbaha sa lungsod, kabilang din dito ang ibat-ibang social services, health, at livelihood programs, climate change initiatives, pagtataguyod sa lungsod bilang top business destination, at pagsisiguro ng maayos at malinis na pamahalaan.

 

 

Partikular din na pinasalamatan at pinuri ni Mayor Belmonte si City Trasurer Ed Villanueva dahil na rin sa pagsisikap nito na manatiling mataas ang tax collection ng lungsod.

 

 

Pinasalamatan rin ni Belmonte ang City Council, mga congressmen, mga department heads, mga action officers at ang mga mamamayan sa mga magagandang achievements ng lungsod at nangakong mas lalo pang pagbubutihin ang sebisyo-publiko. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • DepEd, pinalawig ang school year hanggang Hulyo 10, 2021

    Pinalawig ng Department of Education ang school year para sa basic education level sa Hulyo 10.     Sa isang kautusan, sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na natukoy ng kagawaran ang mga learning gaps sa mga estudyante matapos ang patuloy nilang pag-monitor sa implementasyon ng distance learning.     Maliban dito, bibigyan din ng […]

  • Ads February 25, 2022

  • Nag-chat sa facebook sa bonggang offers: JOHN VIC, nagkuwento sa natanggap na indecent proposals

    NAGKUWENTO si John Vic De Guzman na nakatanggap siya ng mga indecent proposals.       Ayon sa team captain ng Philippine men’s national volleyball team, nanggagaling ang ilang indecent proposal sa social media.       “Well, ako kasi, ‘pag may indecent proposal, usually hindi ko talaga pinapansin.       “May isang nangyari. […]