• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Takot sa COVID-19, nabawasan

KAPANSIN-PANSIN na nabawasan na ang takot at pag-aalala sa bantang pagkalat ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19).

 

Iilan na lang ang nakasuot ng face mask at nabawasan na rin ang mga post sa social media na may kaugnayan sa nasabing sakit saan mang kalsada.

 

Sinundan ito ng paglilinaw ng mga ahensiya ng gobyerno na safe namang magdaos ng malakihang event sa bansa.
Matatandaang, nag-abiso ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan muna ang pagdaraos ng events na mangangailangan ng malaking bilang ng attendees. Bagama’t, may ilang concerts na natuloy, binantayan naman nang todo para makaiwas sa COVID-19 ang mga nanood.

 

Hanggang sa inilabas na ang joint statement ng DOH, Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) na nagsasabing ligtas nang mag-organize at dumalo sa mga public gathering tulad ng concert, assembly at festival. Kasabay ang paalala na tiyaking may precautionary measures na sinusunod sa mga idaraos na events.

 

Meron pa ring pagsusuri sa temperatura ng mga dadalo sa malalaking pagtitipon at may mga ilalaang hand sanitizers sa venue kaya naman masasabing naroon pa rin ang pag-iingat.

 

Sa totoo lang, kahit walang COVID-19 o tuluyan nang mawala ang banta nito, dapat lamang talagang tiyakin ang kaligtasan ng lahat laban sa anumang uri ng sakit.

Other News
  • Iniimbestigahan sa presinto patay

    PATAY ang isang di pa nakikilalang lalaki nang tangkain nitong barilin ang pulis na mag-iimbestiga sana sa kanya sa loob ng nag Manila Police District-Police Station 2, kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.   Inilarawan ng MPD-PS2 ang suspek na nasa edad 30-35, kayumanggi,katamtaman ang pangangatawan at may mga tattoo sa katawan, paa at braso.   […]

  • Donasyong COVID-19 vaccine ng China, depende na sa DOH – FDA

    Ipinauubaya na ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) kung gagamitin ang mga donasyong bakuna ng China kahit na wala pa itong Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA Director-General Usec. Eric Domingo, sang-ayon sa batas hindi namang ipinagbabawal ang pagtanggap ng gobyerno […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 34) Story by Geraldine Monzon

    KINABAHAN si Andrea nang mapagsino ang bisitang tinanggap ni Manang Sonya. Hindi niya inaasahan na makikita niya rito ang lalaki.   “Jared?”   Napakubli siya sa likod ng makapal at mamahaling kurtina.   “A-anong ginagawa niya rito?” tanong niya sa isip.   Hindi siya makalabas mula roon lalo na nang marinig na niya ang boses […]