• April 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taliwas sa naging pahayag ni Direk Darryl: MTRCB, nilinaw na ‘di pa nila nirerebyu ang ‘Pepsi Paloma’ dahil kulang pa sa requirements

SA Facebook post ng controversial director na si Darryl Yap, nagpasalamat ito sa mga husgado at sinabing ni-review na ang pelikulang ‘Pepsi Paloma’ ng MTRCB.

Ayon kay Direk Darryl,  “Nagpasalamat na po ako sa husgado for protecting my rights of artistic expression and the public’s right to the truth.

“The teaser is just a micro-part of my movie. I have been allowed to release the whole movie. For that, i am deeply humbled and profoundly blessed

“Our film is now being reviewed by MTRCB.

“Thanks!”

Tungkol sa kanyang FB post, naglabas naman ng pahayag ang MTRCB tungkol sa pelikulang nabanggit, nilagdaan ito ni Atty. Paulino E. Cases, Jr. (MTRCB Vice Chairperson and Chairperson of the Hearing and Adjudication Committee)

Ayon sa pahayag…

“Taliwas sa maling pahayag, nilinaw ng MTRCB na ang pelikulang Pepsi Paloma ay HINDI TOTOONG kasalukuyang nirerebyu dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements na isinumite ng PinoyFlix.

“Binibigyan linaw ng Ahensiya na HINDI TINANGGAP ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court,  Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.

“Bilang parte ng standard review process ng Ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.

“Ginagawa ito ng MTRCB upang masiguro na ang lahat ng pelikula ay naaayon sa Presidential Decree No. 1986 at sa mga patakaran nito. Binubuo ang MTRCB ng 30 Board Members, isang Vice Chairperson, at isang Chairperson. Ang bawat aplikasyon ay dumaraan sa isang tatlong-miyembrong komite, at kapag kinakailangan, sa ikalawang pagsusuri na binubuo naman ng limang miyembro.

“Ang MTRCB ay naninindigan na hindi nito ipagsasantabi ang maling impormasyon at anumang paninirang maaaring makasira sa reputasyon at mandato nitong protektahan ang interes ng publiko. Ang anumang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon ay aaksyonan alinsunod sa batas.”

Sa latest FB post naman ng direktor, makikita ang letter mula sa MTRCB at mababasa ang caption niya na…

“Ang Kapalaran ng #TROPP #TROPP2025 The Rapists of #PepsiPaloma

At sa comment section nilagay niya…

“Narito ang liham ng MTRCB sa aming distributor; nawa’y maipaliwanag ng mga may alam sa batas.

“Maraming Salamat.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Naging totoo lang sa kanyang nararamdaman: YASSER, inamin na nagkaroon ng pagtingin kay CLAUDINE

    INAMIN ni Yasser Marta na nagkaroon siya ng pagtingin kay Claudine Barretto nang gawin nila ang GMA/Regal Entertainment series na “Lovers/Liars.”     Ginawa ng Sparkle hunk ang pag-amin nang masalang sa “hot seat” ng programang “Sarap Di Ba?” nina Carmina Villarroel at mga anak nito na sina Mavy at Cassy Legaspi.     Sa […]

  • Presyo ng pulang sibuyas, pumalo na sa Php340 kada kilo; siling labuyo sa Php700 kada kilo

    TUMAAS  na sa P340 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas lalo’t ilang linggo na lamang ay araw na ng kapaskuhan habang ang siling labuyo naman kahit sa pinakamaliit ay pumalo sa P700 kada kilo sa ilang mga pamilihan sa gitna ng mahigpit na supply nito.   Batay sa price watch ng Dept. of Agriculture […]

  • 18-ANYOS NA CICL NAGBIGTI SA MALABON

    ISANG youth offender ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng temporary shelter na para sa mga kabataan na may nakabinbing kaso dahil sa pagkasawi sa pag-ibig matapos umanong hiwalayan ng girlfriend sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Ang katawan ng 18-anyos na biktima ay nadiskubre ng 16-anyos na binatilyong […]