• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Talk to the People Address ni PDu30, pinagpaliban

KINUMPIRMA ng Malakanyang na walang magaganap na Talk to the People Address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Abril 7 bunsod ng tumataas na bilang ng aktibong COVID-19 cases kasama na rito ang mga tauhan ng presidential security group (PSG).

 

“The physical safety of the President remains our utmost concern,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Bukod dito, kailangan din aniya na bigyan ng konsiderasyon ng Malakanyang ang kapakanan ng mga taong bahagi ng paghahanda ng Talk to the People Address ni Pangulong Duterte.

 

“In addition, the preparation for the Talk to the People Address entails a number of staff complement and we also take due consideration of their well-being. Please be guided accordingly,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, gustong makasiguro ng Malakanyang na hindi mako- kompromiso ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duterte laban sa covid 19.

 

Sinabi ni Senador Christopher Lawrence Bong Go na nagpasyang ipagpaliban na muna ang talk to the people ng Chief Executive makaraang marami sa mga tauhan ng presidential security group ang nag positibo sa Covid -19.

 

Hindi naman masabi ni Go ang eksaktong bilang ng psg personnel na nagpositibo sa Covid -19.

 

Siniguro naman ni Go na wala sa mga PSG personnel  na ito ang nagkaroon ng direktang kontak sa Punong Ehekutibo.

 

Nais lamang aniya nilang makasiguro na wala munang magiging exposure ang Pangulo sa maraming PSG personnel.

 

Samantala, wala naman dapat na ipag alala ang publiko sa kalusugan ng Pangulo dahil  “all is well” aniya ito,  nasa mabuting kalagayan ang kalusugan at wala namang nararanasang anumang sintomas.

 

Sa katunayan ay nasa bahay lamang ang Pangulo sa Malakanyang  at hindi muna makauuwi sa Davao City dahil nasa nananatiling nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR Plus.

Other News
  • Go, nangakong muling ihahain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga, pandarambong

    HANDA si Senador Christopher “Bong” Go na muling ihain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga at pandarambong sa susunod na Kongreso.     Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207, na naglalayong muling ibalik ang death penalty, noong Hulyo 2019.     Subalit, nabigo namang maipasa ang […]

  • 2 MWP ng PRO4A at PRO8, timbog sa Valenzuela

    NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO) 4A at ng PRO8 matapos maaresto sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Ayon kay Valenzuela City Police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr. dakong alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin si Roscoe Alve, 36, negosyante, […]

  • Mabilis namang maka-amoy kaya walang natuloy: RABIYA, na-confuse na mas mabenta sa bading kesa sa tomboy

    INAMIN ni Rabiya Mateo na never pa siyang naligawan ng isang tomboy.   “Parang hindi ako maano sa ano, hindi ako mabenta,” pagbibiro niya.   “Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.   Kuwento pa ni Rabiya, “pero maraming nanligaw sa akin na… ito yung nakakatawa, bakla! Na […]