• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Talon ni Obiena kasing kinang ng ginto!

MULING ipinakita ni Ernest John Obiena ang kanyang pagiging isang elite athlete nang maglista ng bagong Philippine indoor pole vault record at angkinin ang silver medal sa World Athletics Indoor Tour Silver sa Rouen, France.

 

 

Itinala ni Obiena ang 5.91 meters para burahin ang dati niyang national mark na 5.86m sa Orlen Cup sa Lodz, Poland noong Peb­rero ng 2021.

 

 

Si American Christopher Nilsen ang umangkin sa gold medal ng torneo sa France sa nilundag na 6.05m habang nakuntento si 2016 Rio de Janeiro Olympics champion Thiago Braz (5.91m) ng Brazil sa bronze medal.

 

 

Pinilit ng Southeast Asian Games at Asian meet record-holder na si Obiena na makuha ang 6.01m, ngunit nabigo siya sa tatlong attempts.

 

 

Mas maganda rin ang 5.91m ng 6-foot-2 na si Obiena kumpara sa naiposteng 5.81m sa Orlen Cup at Orlen Copernicus Cup na idinaos sa Poland noong nakaraang buwan.

 

 

Wala pang katiyakan kung makakasali si Obiena sa World Indoor Championships sa Belgrade, Serbia sa Marso 18-20 dahil hindi pa siya nakakakuha ng endorsement sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Other News
  • Tulong medikal ng CDA pinuri ni Bong Go

    DUMALO si Senator Christopher “Bong” Go sa pagbubukas ng Cooperative Development Authority-Philippine Charity Sweepstakes Office Partnership Program on Medical Assistance for Cooperatives (PMAC) sa CDA Main Office sa Quezon City.     Bilang bahagi ng inisyatiba, ang mga miyembro ng micro at small cooperative na may mga isyu sa kalusugan ay makatatanggap ng tulong pinansyal […]

  • BIR pinagpapaliwanag sa kinanselang Megaworld closure order

    NAIS ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay) na magpaliwanag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ginawa nitong kanselasyon sa closure order ng Megaworld Corporation.     “That was a bizarre series of events that leaves us with more questions than answers. Why was the order issued? Why was it cancelled […]

  • Sen. Drilon, mali ang obserbasyon sa ginagawang Marawi rehab ng TFBM

    PINALAGAN ni  Task Force Bangon Marawi (TFBM)  Chairman at Department of Human Settlement and Urban Development Sec. Eduardo del Rosario ang naging pahayag ni Senator Franklin Drilon na kailangan umano ng additional fund para  matiyak na matatapos sa 2021 ang Marawi Rehabilitation.   Sinabi  kasi  ni Senador Drilon na “grossly inefficient” at halos nakaasa lamang […]