• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tambalang Isko Moreno-Willie Ong naghain ng 2022 candidacy sa Comelec

Pormal nang nag-file ng kanilang certificates of candidacy (COC) si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at running mate na si Dr. Willie Ong para sa pambansang halalang sa Mayo 2022.

 

 

Lunes nang ihain nina Domagoso at Ong ang kanilang COC sa pagkapangulo at pagkabise presidente sa ikaapat na araw ng filing ng candidacy sa Commission on Elections (Comelec).

 

 

Nitong Setyembre lang nang opisyal na ianunsyo ng dalawa ang planong tumakbo sa susunod na taon sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko, habang idinidiing kaya nilang makipagtrabaho sa parehong taga-administrasyon at oposisyon basta’t makatutulong sa karaniwang tao ang pinag-uusapang programa.

 

 

Magiging parte ng senatorial slate nina Domagoso at Ong ang opposition at dating Otso Diretso candidate na si Samira Gutoc, kasama na rin ng education entrepreneur na si Carl Balita.

 

 

Una nang sinabi ni Domagoso na ipagpapatuloy niya ang relasyon ng Pilipinas sa mga international organizations gaya ng International Criminal Court (ICC), na layong imbestigahan ang “crimes against humanities” ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong war on drugs. Aniya, kailangan daw obserbahan ang rule of law.

 

 

 

Gayunpaman, hindi klaro kung makikipagtulungan siya para mapanagot si Digong.

 

 

Kahit na kumalas na ang Pilipinas sa ICC nitong Marso 2019, ilang observers na ang nagsasabing pwedeng imbestigahan at litisin pa rin ang mga krimeng nangyari bago ang petsang ‘yan kung kailan miyembro pa ang Pilipinas.

 

 

 

Una nang usap-usapang tatakbo si Domagoso sa pagkabise matapos niyang paringgan si Digong, na nagsabi na noong tatakbo sa vice presidential post, pagdating sa kanilang “paghaharap” ngayong Oktubre.

 

 

Sa kabila nito, pinagsususpetyahan ng ilan na “secret Duterte candidate” si Isko, bagay na kanya namang itinanggi na. (Gene Adsuara)

Other News
  • Watch Timothée Chalamet as Paul Atreides become a true Fremen as he attempts to ride a sandworm in this “Dune: Part Two” sneak peek

    The scale becomes even more epic as Denis Villeneuve’s Dune: Part Two picks up where 2021’s Dune left off. New characters sweep into the vast world, as the adventure sets off with even more stunning visuals and thrilling action sequences.       Dune: Part Two continues the story of Paul Atreides (Timothée Chalamet), now […]

  • Ads July 21, 2021

  • Baby girl ang first child nila ni Ben: IZA, nag-post kasama ang kanyang mommy at humihingi ng gabay

    NAGSIMULA na palang mag-grind ang next movie ng Viva Films, ang “Martyr or Murderer” na prequel ni Director Darryl Yap sa first blockbuster movie niyang “Maid in Malacanang.”       Nagkaroon muna sila ng photo shoot ng cast ng movie, maliban sa gaganap na young Corazon Aquino na pinipili pa nila.     Kaya may […]