• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanod nahulihan ng shabu sa Valenzuela

BAGSAK sa kulungan ang isang barangay tanod matapos makuhanan ng shabu makaraang masita sa boarder control point sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 of RPC at Sec. 11 under Article II of RA 9165 ang suspek na kinilalang si Leonardo Roldan, 40, Barangay Tanod at residente ng136 F. San Juan, Isla ng lungsod.

 

 

Sa report ni PCpl Glenn De Chavez, may hawak ng kaso kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10:30 ng umaga, nagpapatupad ng enhance community quarantine sa boarder control point sa N. Urrutia St., Brgy. Arkong Bato si PSMS Roberto Santillan nang parahin nito ang suspek na sakay ng bisikleta para sa beripikasyon.

 

 

Hinanapan siya ni PSMS Santillan ng quarantine pass at iba pang dokumento na nagpapahintulot sa kanya na puwede siyang lumabas ng bahay subalit, sa halip na sumunod sa utos ay hindi nito pinansin ang pulis at tinangkang tumakas ng suspek.

 

 

Kaagad naman siyang napigilan ni PSMS Santillan saka inaresto at narekober sa suspek ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680,00 ang halaga, barangay identification card at bisikleta. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads May 23, 2023

  • Gilas 3×3 nagsimula ng training sa Calamba bubbles

    Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament.     Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy.     Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria […]

  • Ads November 15, 2023