• June 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tapales WBC Asian Continental champion

PINATUNAYAN ni two-division world champion Marlon Tapales na may ibubuga pa ito matapos magtala ng first-round knockout win para makuha ang WBC Asian Continental super bantamweight title sa labang ginanap sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.

 

 

 

Mabibigat na suntok ang pinakawalan ni Tapales para mabilis na tapusin si Nattapong Jankaew ng Thailand sa 2:15 marka sa first round.

 

 

 

Sa umpisa pa lang ng laban, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Tapales nang rumatsada agad ito ng kaliwa’t kanang kumbinasyon para mapabagsak ng dalawang beses ang Thai pug.

 

 

 

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Tapales nang muli itong bumanat ng solidong atake dahilan para magulpi ng husto si Jankaew at tuluyan nang itigil ng referee ang laban.

 

 

Ito ang ika-20 knockout win ni Tapales para uma­ngat ang rekord ng Pinoy champion sa 38-4.

 

 

Bagsak naman ang Thai fighter sa 12-4 marka.

 

 

 

Hindi naman pinalad ang isa pang Pinoy bet at dating world title challenger na si Reymart Gaballo matapos matalo kay Mexican boxer Kenbun Torres.

Other News
  • ALDEN, naging daan para ma-convince si JOROSS na pasukin ang mundo ng live streaming

    MAY bagong career ang actor na si Joross Gamboa ngayong pandemic.       Although sabi nga niya, medyo late na rin daw siyang nag-start. Streamer na rin si Joross ng ilang online or mobile games tulada ng Mobile Legend. As in, araw-araw siyang nag-i-stream at nag-e-enjoy raw siya.     Bukod sa talagang gamer naman […]

  • 300K leak pipes, naayos ng Maynilad

    Umaabot na sa halos 300,000 ng leak pipes ang naayos ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) mula nang pangasiwaan ng kompanya ang pagsusuplay ng tubig sa west zone area mula 2007.     Ito ay matapos makumpleto ng Maynilad ang may  22,500 pipe leaks noong 2020 at dahil dito nabawasan ang pagtagas ng […]

  • Sec. Andanar, nagpatulong na sa mga youth leaders ng Northern Mindanao para maglaganap ng tamang impormasyon ukol sa covid 19

    HUMINGI na ng tulong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga  youth leaders sa Northern Mindanao para tulungan ang komunidad na magpalaganap ng tamang impormasyon at kamalayan ukol sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.   Binigyang diin ni Sec. Andanar, pinuno rin ng  Cabinet Officer for Regional Development and Security for […]