Target na mabakunahan ng booster shot sa unang 100 araw ng Marcos administration, nirebisa
- Published on September 17, 2022
- by @peoplesbalita
BUNSOD nang patuloy na mababang bilang ng nagpapabakuna ng booster dose sa bansa, nirebisa ng gobyerno ang inisyal na target sa unang 100 araw ng termino ng Marcos adminsitration.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire, inisyal na target ng pamahalaan ay nasa 50% ng eligible population ang mabakunahan ng unang booster shots.
Ito ay katumbas ng 23 million indibdiwal subalit hanggang sa ngayon ay mababa pa rin ang porsyento ng nababakunahan ng unang booster dose sa bansa na nasa 24% pa lamang.
Kaya’t target ngayon na maabot ang 30% na maturukan ng unang booster pagsapit ng Oktubre 8 at unti-unti ay makamit ang 50% hanggang 70% na mabakunahan ng 1st booster shot sa katapusan ng taon.
-
PBBM, nagpahayag ng pakikidalamhati, simpatiya sa pangatlong Filipino victim sa Israel-Hamas conflict
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ni Loreta “Lorie” Villarin Alacre, pangatlong Filipino na nasawi sa labanan sa pagitan ng Hamas militants at Israeli forces, na agad na iuuwi ang labi nito sa oras na buksan na ang humanitarian corridor sa mga apektadong sibilyan. Si Alacre, 49 taong gulang, isang […]
-
Mahigit sa 60% nais ang code of conduct, alisin ng Tsina ang militia sa WPS -Pulse Asia
MAHIGIT sa 60% ng mga Filipino ang nais na gamitin ang code of conduct na magsisilbing gabay sa aksyon ng mga claimants sa South China Sea, at para alisin ng Tsina ang coast guard at militia nito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas para pagaanin ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. […]
-
RONNIE at LOISA, nawala na rin sa teleseryeng ‘Cara Y Cruz’
TAHIMIK at hindi kami sinasagot nang tinanong namin kung bakit nawala na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa teleseryeng Cara Y Cruz na binago na ang titulo, Bagong Umaga na base na rin sa tweet ng Entertainment head ng Kapamilya network na si Direk Laurenti Dyogi. “Soon this October, starring Tony Labrusca and […]