TARGET ng gobyerno na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.
Sinasabing taong 2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng 3 daan, 55 punto anim na bilyong piso.
Ang underground railway project ay bubuuin ng 17 istasyon na inaasahang makakabawas ng malaking oras sa biyahe halimbawa mula Valenzuela hanggang sa NAIA 3.
Ang dati aniyang mahigit sa dalawang oras na biyahe mula sa Valenzuela depot hanggang NAIA 3 ay kakayaning makuha na lamang ng 45 minuto at itoy sa sandaling matapos na ang proyekto. (Daris Jose)
-
Kontrabida ni Darna, ‘di kasama sa ni-reveal na cast: JULIA, bagay raw gumanap na Valentina at puwede rin sina HEAVEN at AJ
IPINAKILALA na ang cast ng Darna TV series na pagbibidahan ni Jane de Leon at ididirek ng master director na si Chito S. Rono. Pero wala pang announcement ang production kung sino ang gaganap na Valentina, ang babaeng ahas na kontrabida ni Darna. Bakit kaya wala pa silang napipiling artista for […]
-
Letran target ang 8th win
PAKAY ng defending champion Colegio de San Juan de Letran na masikwat ang ikawalong panalo sa pagharap nito sa Arellano University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City. Magpapang-abot ang Knights at Chiefs sa alas-3 ng hapon matapos ang pukpukan ng Jose Rizal […]
-
Pagbibigay ng free legal aid sa uniformed personnel, magpapalakas sa morale, productivity ng law enforcers
ANG pagbibigay ng libreng legal assistance na naakaharap sa kaso na may kaugnayan sa kanyang tungkulin ay makakatulong para mapalakas ang morale at productivity ng mga unipormadong personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies. Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, ang […]