Target sa vaccination drive, ibinaba sa 9 milyon
- Published on November 30, 2021
- by @peoplesbalita
Ibinaba sa 9 na milyon ang target na mabakunahan sa National Vaccination Days dahil sa kakulangan sa gamit partikular ng gagamiting karayom.
Nauna rito, itinakda sa 15 milyon ang target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Days na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Nagkaroon ng pagbabago sa target matapos konsultahin ng National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center ang mga lokal na lider ng mga probinsiya, siyudad at munisipalidad kabilang ang resource management team.
Sinabi nina NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Presidential Adviser for COVID-19 Response at NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon sa isang joint statement na habang isinasapinal ang malawakang paghahanda para sa bakunahan sa 16 na rehiyon sa labas ng Metro Manila, ay may kakulangan sa suplay lalo ng hiringilya.
“As we are finalizing the preparations for this massive movement across the 16 regions outside Metro Manila, there is currently a shortage in ancillary supplies, particularly syringes for the Pfizer-BioNTech vaccines and other logistical challenges,” nakasaad sa statement.
Ayon pa sa statement, na-delay ang nakatakdang shipment ng biniling sulpay sa pamamagitan ng UNICEF dahil sa nangyayaring global shortage.
Samantala, sinabi ng NTF at NVOC na muling magsasagawa ng tatlong araw na National Vaccination Days mula Disyembre 15-17 upang matupad ang target na 54 milyong Filipino na mababakunahan bago matapos ang taon. (Gene Adsuara)
-
Ads January 23, 2025
-
INDIAN CREW MEMBER, TINULUNGAN NG PCG
KINAKAILANGAN na idi-embark at tulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Indian crew member ng bulk carrier mula sa isang international vessel matapos maaksidente habang naglalayag sa katubigan ng Pilipinas. Ayon sa PCG, nagsagawa ang coast guard ng medical evaluation sa MV Formento Two sa may 8.3 nautical miles southeast ng Virac […]
-
470K sasakyan bumibiyahe sa EDSA kada araw – MMDA
MAY average na 470,000 sasakyan na ang bumibiyahe ngayon sa EDSA kada araw at inaasahan pang tataas habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa kabila nito, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maayos pa rin umano ang trapiko sa EDSA na siyang pinakaabalang kalsada […]