• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Task Force El Niño, paiigtingin at muling magpupulong para talakayin ang collective action

TINALAKAY ng mga miyembro ng Task Force El Nino, araw ng Lunes ang updates ng interbensyon para sa mga pangunahing sektor at karagdagang aksyon na kakailanganin para paigtingin ang pagsisikap laban sa epekto ng phenomenon at tiyakin ang kahandaan ng bansa lalo na sa mga lalawigan na kasalukuyang apektado ng El Nino.

 

 

Base sa pinakabagong assessment ng  Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Service Administration (PAGASA), may kabuuang 41 lalawigan ang kasalukuyang apektado ng El Nino.

 

 

Ang mga lalawigan na nasa ilalim ng dry condition ay ang  Batangas, Laguna, Masbate, Oriental Mindoro, Antique, Biliran, Capiz, Cebu, Eastern Samar, Guimaras, Iloilo, Leyte, Negros Oriental, Samar Lanao del Norte, Sulu, Tawi-Tawi.

 

 

Ang mga lalawigan naman na nasa ilalim ng dry spell ay ang  Abra, Aurora, Bataan, Isabela, Metropolitan Manila, Occidental Mindoro, Quirino, Rizal, Zambales, and Negros Occidental habang ang nasa ilalim naman ng drought condition ay Apayao, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Palawan, at Pangasinan.

 

 

Sinabi ng PAGASA  ang pagkabawas sa bilang ng mga lalawigan na apektado ng El Nino. Mula sa kabuuang 50 na apektadong lugar base noong Enero 21, 2024 assessment sa 41 apektadong lalawigan.

 

 

Gayunman, sa kabila ng pagkabawas, muling inulit ng task force na may pangangailangan na palakasin ang paghahanda dahil sa malakas at mature na El Niño na inaasahan na magpapatuloy hanggang February 2024 at mananatili hanggang March-April-May 2024 season.

 

 

Samantala, ang mga pangunahing ahensiya gaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG),  Department of Energy (DOE), Department of Health (DOH), at  Department of Agriculture (DA) ay nag-presenta ng situation updates at interbensyon sa water sector, public safety, energy sector, health sector, at food security.

 

 

Sa kabilang dako, iniulat naman ng DENR ukol sa  water security na ang dam supply ay nananatiling sapat hanggang Mayo.  Sa kabila ng projection na ito, ang publiko ay pinapayuhan na magtipid sa paggamit ng tubig.

 

 

Patuloy naming mino-monitor ng departamento ang water supply sources at tinatrabaho ang pagtatatatag ng alternatibong water sources para mapigilan ang kakapusan sa suplay ng tubig.

 

 

Ang DILG, sa kabilang dako ay  patuloy na ipinatutupad ang mga programa at aktibidad ukol sa environmental protection sa  community level, law and order, at  fire safety.

 

 

Hinggil naman sa energy security, sinabi ng  DOE na ang interbensyon para tiyakin na sapat ang suplay ng enerhiya ay isinasagawa na.

 

 

Kabilang dito ang implementasyon ng transmission projects, siguraduhin ang integridad at maaasahan na power grid, at panawagan sa electric power industryna aktibong makibahagi sa El Nino mitigation efforts.

 

 

Samantala, iniulat naman ng DOH na walang disease outbreak sanhi ng  El Nino. Winika pa rin ng departamento na patuloy na tinitiyak nito ang kahandaan ng mga health facilities.

 

 

Para naman sa food security, ipinresenta ng DA ang priority interventions nito kabilang na ang water management, social protection para sa mga magsasaka at mangingisda,  kabilang na ang livelihood support at financial assistance, at price monitoring.

 

 

Binigyang-diin naman ni Task Force Chair at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa miting ang kahalagahan ng ‘collective effort’ ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para tugunan ang epekto ng El Nino.

 

 

Nanawagan si Secretary Teodoro sa mga miyembro ng task force na makipag-ugnayan at tiyakin ang ‘coordinated efforts’ hindi lamang para sa El Nino kundi maging sa iba pang emergency at disaster concerns.

 

 

Ukol naman sa El Nino Platform, magtutulungan naman ang Department of Science and Technology (DOST) at  Department of Information and Communications Technology (DICT) para tiyakin ang epektibong paggamit ng platform.

 

 

Mayroon din aniya na pangangailangan na palakasin ang public information para hikayatin ang mga tao sa preparedness measures.

 

 

Ang Task Force El Niño ay muling binuhay at muling binuo sa ilalim ng Executive Order No. 53 na epektibo sa  darating na Enero 19, 2024.

Other News
  • PBBM isusulong ang kapayapaan sa WPS

    NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga na mapanatili ang kapayapaan at sumunod sa rules-based order na siyang cornestone ng kaniyang Philippine foreign policy sa gitna ng tumataas na geopolitical tension sa Asya.     Sinabi ng Pangulong Marcos na ang kaniyang admistrasyon ay magpapatuloy na magbuo ng malakas na alyansa sa mga kaalyado […]

  • Piolo, ipinagdiinang ‘Kapamilya forever’ kaya babalik pa rin

    BABALIK pa rin si Piolo Pascual sa Kapamilya network.   Nagtanong kasi siya sa head ng ABS-CBN creative communication management na si Ginoong Robert Labayen kung kailan ang shoot ng 2020 Christmas station ID ng ABS-CBN base sa panayam nito sa Kumu talk show ni Miss Charo Santos-Concio na ‘Dear Charo’ nitong Nobyembre 2.   […]

  • Philippine Women’s football team may dalawang laro pa sa Australia bago ang pagsabak sa SEA Games

    SINIMULAN  na ng Philippine women’s national football team ang kanilang training para sa 31st Southeast Asian Games.     Ayon sa Philippine Football Federation (PFF) na ang 25 kababaihan na football players ay nasa Australia ngayon.     Pinangunahan ng kanilang coach na si Alen Stajicic ang nasabing womens football team.     Bukod kasi […]