• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatakbong pangulo? Pacquiao nagpaparamdam na

Nagpatikim na si eight-division world champion Manny Pacquiao sa posibleng pagtakbo nito sa Presidential Election sa susunod na taon.

 

 

Naglabas ng post si Pacquiao sa kanyang mga social media accounts kung saan ikinuwento nito ang kanyang naging karanasan.

 

 

Naging halimbawa nito ang kanyang sarili na dumaan sa matitinding pagsubok bago makamit ang tinatamasang tagumpay.

 

 

“When I was young, my biggest fear was not kno­wing if our family could survive without another meal. The fee­ling of seeing your mother and siblings not having food was tragic and I wish no kid have to go through that. Yes, it made me into who I am today, but it took years for me to overcome that nightmare,” ani Pacquiao.

 

 

Alam ng lahat na galing sa hirap si Pacquiao.

 

 

Dumating sa puntong kailangan nitong mag-trabaho sa murang edad para matustusan ang pa­ngangailangan ng kanyang pamilya.

 

 

Hanggang sa maabot na nito ang tuktok ng ta­gumpay sa pamamagitan ng boksing.

 

 

Kaya naman nais ni Pacquiao na maging ma­gandang ehemplo para sa iba na dumaranas ng hirap.

 

 

“Hindi ako nawalan ng pag-asa sa gitna ng mga pagsubok. Patuloy akong lumaban sa buhay at nagtiwala sa Diyos,” ani Pacquiao.

 

 

Hangad ni Pacquiao na makatulong sa mga kababayan nito upang malampasan ang mga ganitong pagsubok sa buhay.

 

 

Dahil sa naturang post, usap-usapan na ang posibleng pagtakbo ni Pacquiao bilang pangulo sa 2020 national election.

 

 

Nakaabang na ang lahat sa magiging anunsiyo nito.

Other News
  • Babala sa hoarders: 15 taong kulong, P2M multa ipapataw

    PlNASASAMPOLAN ng isang lider ng Kamara de Representantes ang mga hoarder ng alkohol at iba pang produkto na lalo lamang magpapasama sa kalagayan ng bansa ngayong kumakalat na ang coronavirus disease.   Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa ilalim ng Price Act ang mga hoarder ay […]

  • Direk Dado, all praises sa mag-sweetheart: KIM, nag-interview ng bulag at nag-boxing si XIAN para sa balik-tambalan

    MAS mature ang roles na ginagampanan nina Kim Chiu at Xian Lim sa comeback movie nila titled ‘Always’ directed by Dado Lumibao.   Binahagi nina Kim and Xian ang kanilang excitement para sa reunion project na ito.   Nag-post si Xian sa kanyang Instagram account na may caption na, “I missed you {Kim Chiu}. After […]

  • DILG, umapela sa mga lokal na pamahalaan na tumulong sa information drive ng SIM registration

    NANAWAGAN  ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga local government units sa bansa na tumulong sa ginagawang information campaign ng pamahalaan hinggil sa SIM Registration Act sa bansa.     Sa kabila ito ng kaliwa’t kanang reaksyon at opinyon ng ilan sa ating mga kababayan hinggil sa pagpapatupad ng […]