• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatanggap ng inaasam na film grant: 31 finalist directors ng ‘Puregold CinePanalo Film Festival, pormal nang ipinakilala

ANG Puregold CinePanalo Film Festival, ang pinakahihintay na event na nakatakdang iangat ang bagong henerasyon ng outstanding Filipino films.

 

Opisyal nang pinakilala ang mga tatanggap ng inaasam na film grant sa media conference na ginanap sa Artson Events Place, Quezon City noong Lunes, Enero 22.

 

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Puregold, ang mga direktor ng pelikula, kani-kanilang mga producer, at iba pang pangunahing miyembro ng kanilang team.

 

Itinampok sa press conference ang pangunahing layunin ng Puregold, na magbigay ng plataporma para sa well-known at emerging filmmakers, and to showcase narratives na tinatawag nilang ‘Kuwentong Panalo’, na maaaring makaantig sa puso at magpapaalala sa ating matinding diwa ng Pilipino.

 

Mula sa daan-daang entries sa CinePanalo, tatlumpu’t isa lamang sa mga pinakamahusay ang napili bilang mga finalist. Pormal silang ipinakilala, na kung saan minarkahan din ang
simula ng huling yugto ng Puregold CinePanalo Film Festival.

 

Kabilang sa six full-length film finalists ang newcomer na si Kurt Soberano, sa kanyang entry na “Under the Piaya Moon,” at si Eugene Torres sa kanyang “One Day League: Dead Mother, Dead All”. Sila ang nakakuha ng “Producer’s Choice” title, kaya naging anim ang slots.

 

Kasama nila ang mga kilalang direktor na si Sigrid Bernardo para sa “Pushcart Tales,” Raynier Brizuela para sa “Boys at the Back,” Joel Ferrer para sa “Road to Happy,” at Carlo
Obispo para sa “A Lab Story”.

 

Ang anim na full-length film director ay nakatanggap ng substantial grant na Php 2,500,000 bawat isa, habang 25 short film student director ang nabigyan ng Php 100,000 bawat isa.
Bukod dito, lahat ng mga finalist ay nakatanggap din ng complimentary color grading mula sa Optima Digital, gayundin ang mga essential groceries mula sa Puregold para mas suportahan ang mga ito habang nasa produksyon.

 

Ang finished Puregold CinePanalo full-length and short films ay mapapanood sa Gateway Cinemas sa Cubao,QC, mula Marso 15 hanggang 17, 2024, na susundan ng potential regional screenings.
Magiging available din ang mga short film sa opisyal na social media channels ng Puregold sa YouTube at TikTok.

 

Ang mga kilalang selection committee ay binubuo ng beteranong direktor ng pelikula at telebisyon na si Jeffrey Jethurian; award-winning filmmaker na si Victor Villanueva; Puregold senior marketing manager na si Ivy Hayagan-Piedad; Lyle Gonzales ng Republic Creative; at festival director ng Puregold CinePanalo na si Chris Cahilig, na naging crucial ang role para sa paghubog ng trajectory ng naturang filmfest.

 

Narito naman ang 25 promising new student directors na nakapasa sa kanilang pihikang panglasa na maglaban-laban sa pagandahan sa kani-kanilang short film:

● Jenievive B. Adame – “Smokey Journey” (STI College Cubao)
● Ma. Rafaela Mae Abucejo – “Saan Ako Pinaglihi” (Polytechnic University of the Philippines)
● Alexa Moneii Agaloos – “Ka Benjie” (Polytechnic University of the Philippines)
● Kent Michael Cadungog – “Text FIND DAD and Send to 2366” (University of the Philippines)
● John Pistol L. Carmen – “Repeater si Peter” (Bicol University)
● Chrisha Eseo Cataag – “Hallway Scholar” (Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo)
● Patricia W. Dalluay – “Lola, Lola, Paano Ba ‘Yan?” (Polytechnic University of the Philippines)
● Joanah Pearl Demonteverde – “Kang Pagpuli Ko” (University of the Philippines – Visayas)
● Joshua Andrey A. Doce – “I Am Mutya And I Thank You!” (Bicol State College of Applied Science and Technology)
● Neil M. Espino – “Sa Hindi Paghahangad” (De La Salle Lipa)
● Terrence Gale Fernandez – “Kaibigan ko si Batman” (Polytechnic University of the Philippines)
● Daniel Gil – “Distansya” (Ateneo de Davao University)
● Alexandra Lapid – “Queng Apag” (Mapúa University)
● Reutsche Colle Rigurosa Lima – “Tiil ni Lola” (University of San Carlos)
● Dizelle C. Masilungan – “Kung Nag-aatubili” (University of Santo Tomas)
● Jose Mikyl Medina – “Lutong Bahay” (De La Salle University)
● Ronjay-C Mendiola – “Last Shift” (Polytechnic University of the Philippines)
● Mark Terence Molave – “Paano po gumawa ng collage college?” (Polytechnic University of the Philippines)
● Jhunel Ruth A. Monterde – “Si Mary May Crush Kay Tess” (De La Salle College of Saint Benilde)
● Doxford D. Perlas – “Naduea Eoman Si Brownie (Brownie’s Lost Again!)” (University of the Philippines – Visayas)
● Andrea S. Ponce – “Layag sa Pangarap” (Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa)
● Edz Haniel Teñido Purificacion – “Dzai Dzai Dzai Delilah” (Mapúa Malayan Colleges Laguna)
● John Wilbert Llever Sucaldito – “Tambal nga Sabaw” (Far Eastern University)
● Tyrone Lean J. Taotao – “Abandoned Lullabies” (Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa)
● Marian Jayce R. Tiongzon – “May Kulay Rosas Ba Sa Bahaghari?” (University of the Philippines – Visayas)

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mga motorsiklo papayagan na dumaan sa bike lane sa Valenzuela

    INANUNSYO ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian na papayagan na ang mga single motorcycle na dumaan sa designated bike lane sa lungsod simula December 25, 2022.     Ito’y base sa nilagdaang City Ordinance No. 1064, Series of 2022, kung saan ang mga single motorcycle ay puwede na gamitin ang bike lane sa kahabaan ng […]

  • DIRECT SUNLIGHT, WALANG EBIDENSIYA NA NAKAMAMATAY NG CORONA VIRUS

    WALA  pang ebidensya na ang “direct sunlight” ay nakamamatay ng virus ng coronavirus disease.   Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire,  sa umano’y muling paggamit ng mga surgical mask matapos itong ibilad sa araw upang mamatay umano ang virus.   “Wala pang ebidensya na nakakapagbigay sa atin kung ito ba ay naapektuhan […]

  • Ads January 10, 2020