• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatapusin na ng UP!

Puntirya ng University of the Philippines na masikwat ang kampeonato laban sa defending champion A­teneo de Manila University sa paglarga ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Muling magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6 ng gabi kung saan hangad ng UP na pormal nang tapusin ang best-of-three cham­pionship series.

Nakalapit sa korona ang Fighting Maroons matapos maitarak ang pukpukang 81-74 overtime win laban sa Blue Eagles sa Game 1 noong Linggo.

“We just kept remin­ding each other not to give up,” ani UP coach Goldwin Monteverde.

Kaya naman inaasa­hang ibubuhos na ng UP ang kanilang buong lakas upang matuldukan ang ilang dekadang pagkauhaw nito sa kam­peonato.

Pangungunahan nina Ricci Rivero, Maodo Malick Diouf, Xavier Lucero at Carl Tamayo ang matikas na ratsada ng Fighting Maroons para maisakatuparan ang inaasam na kampeonato.

Sa kabilang banda, hindi naman basta-basta susuko ang Blue Eagles.

At tiyak na magiging handa ito upang mapigilan ang selebrasyon ng Figh­ting Maroons at manatiling buhay ang pag-asa nito sa tangkang four-peat.

Maglalabas ng bagong formula si Blue Eagles head coach Tab Baldwin para mapigilan ang anumang bombang pasasabugin ng Fighting Maroons.

“We felt we needed a few things differently with our lineup and in retrospect, maybe we would second guess that,” ani Baldwin.

Isa sa mga nakikitang problema ng kanyang bataan ang match up sa size.

Kaya may balak itong gawin sa Game 2.

Other News
  • PBA players OK sa pagsasagawa ng bubble games tulad sa NBA

    Karamihan sa mga PBA players ay sang-ayon na maglaro sa bubble o semi-bubble para pagsisimula ng 2020 season ng liga.   Sinabi PBA Commissioner Willie Marcial, na walang magiging problema sa mga manlalaro kahit na limitado ang kanilang mga galaw. Gaya aniya na ipinatupad ng NBA ay susunduin sila ng shuttle mula sa venue at […]

  • ASEAN, dapat na magdoble-sikap na panindigan at itaguyod ang international law

    DAPAT lamang na magdoble-sikap ang ASEAN  na  itaguyod at panindigan ang  international law sa rehiyon.     “In order to harness the potential of our region, I believe that ASEAN must double its efforts especially in these following priority areas: first, ASEAN should uphold international law and the international rules based system which has underpinned […]

  • Ads July 8, 2022