• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatay ni Dr. Yumol na suspek sa Ateneo shooting incident patay

PATULOY ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na si Rolando Yumol sa harap ng dating clinic ng duktor na matagal nang ipinasara.

 

 

Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan muna ang espekulasyon sa pagkamatay ng nakatatandang Yumol.

 

 

Nanawagan din siya na huwag ikonekta ang nangyari sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na ikinasawi ng tatlong biktima kasama ang dating alkalde ng Lamitan City, Basilan na si Rosita Furigay.

 

 

Sa ngayon, wala pang inilalabas na spot report ang PNP sa pagkasawi ng tatay ni Yumol.

 

 

Pero base sa impormasyon mula sa Lamitan Police, nasawi ang tatay ni Yumol matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Rizal, Lamitan City, Basilan dakong 6:30 kahapon ng umaga.

 

 

Nabatid na una nang lumutang ang haka haka na rido ang nangyari o gantihan ng patayan sa mga pamilya para makamit ang hustisya. (Daris Jose)

Other News
  • Mahigit P154M educational aid ang naipamahagi ng DSWD sa mga 53,000 students in crisis

    MAHIGIT  53,000 “students-in-crisis” ang nakatanggap ng one-time cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang araw ng Educational Assistance Payout ng ahensya noong Agosto 20.     Batay sa datos ng DSWD, ang ahensya sa ngayon ay naglabas ng P154 milyon na cash assistance para sa mga mag-aaral na nangangailangan […]

  • Kobe napiling cover ng NBA 2K21

    Inilabas na ng NBA 2K21 ang kanilang ikatlong cover.   Ito ay sa pamamagitan ng namayapang Los Angeles Lakers star Kobe Bryant.   Ang “Mamba Forever” edition ng laro ay binubuo ng iba’t-ibang pirasong artwork ni Bryant.   Isa aniya itong paraan sa pagkilala sa nasabing NBA player.   Magugunitang noong Enero ng pumanaw ito […]

  • 525,600 na AstraZeneca COVID-19, gagamitin bilang first dose sa lahat ng frontline workers

    INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit ng lahat ng na 525,600 na AstraZeneca COVID-19 na nakuha ng Pilipinas bilang donasyon mula sa COVAX facility para gamitin bilang first dose para sa mga frontline workers.   Binasa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Memorandum mula sa Office of the Executive ecretary (OES).   […]