TATLONG DAYUHANG PUGANTE, INARESTO NG BI
- Published on January 21, 2022
- by @peoplesbalita
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhang pugante na wanted sa kanilang mga bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente na ang tatlong dayuhan, isang Amerikano, Taiwanese at isang South Korean ay inaresto sa magkakahiwalay na opeasyon ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila at Pangasinan.
“They will all be deported for being undesirable aliens and for posing risk to public safety and security. Afterwards, they will be placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,” ayon kay Morente.
Dagdag pa ni Morente na ang tatlong dayuhan ay mananatili sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang ang kanilang summary deportation ng bureau’s board of commissioners ay nakabinbin.
Kinilala ang Taiwanese national na si Sie Mu Shi, 32 na inaresto sa Quezon City at wanted ng criminal investigation bureau ng Taiwan dahil sa illegal possession of firearms.
Naaresto rin ang South Korean national na si Lee Chungho, 37, sa bisinidad ng BI building na bukod sa pagiging overstayiong ay wanted din ng awtoridad ng Seoul dahil sa panloloko ng halos 15.2 million o US$13,000 sa kanyang mga kababayan.
Samantala, sa Dagupan City, Pangasinan naman naaresto ang American national na si Rexfordgay Sanculi Velasco, 43, dahil sa pagiging overstaying at dating sundalo ng US marine na wanted sa US Department of the Navy dahil sa pagiging military desertion. (GENE ADSUARA )
-
Laguna, Iloilo City, CDO inilagay sa ilalim ng ECQ, MECQ ang Cavite, Rizal at Lucena City hanggang Aug. 15
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang Agosto15, 2021. Samantala, inilagay naman sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 6 hanggang Agosto 15, 2021 […]
-
4 na empleyado, ayaw mag-overtime, ikinulong sa loob ng warehouse
INARESTO ang dalawang Chinese national at may-ari ng isang kumpanya matapos na ireklamo ng mga empleyado nito na “ikinulong” sa loob ng kanilang warehouse upang mapilitang mag-overtime sa Kawit, Cavite. Kasong illegal detention ang isinampa laban kina Qinghui Qui, 37 at Bin Chen, 32, kapwa Chinese national at Operations Manager ng Dan Chang Company […]
-
Ilocos Norte Launches School-Based Vaccination for Young Girls Against Cervical Cancer
Laoag City, Ilocos Norte— The province of Ilocos Norte has intensified its efforts to safeguard young girls against cervical cancer by becoming the first province in the country to launch a school-based immunization program. The initiative, dubbed “Bakuna Eskwela,” is a joint effort between the Department of Health (DOH) and the Department of […]