Tattoo artist tinodas sa Navotas
- Published on December 10, 2021
- by @peoplesbalita
Patay ang isang tattoo artist matapos barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa harap ng kanyang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Ryusi Soriano alyas “Adjong”, 25 ng 19 Pat Buntan, Brgy. San Roque.
Patuloy naman ang follow up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Reysie Peñaranda, dakong alas-4:15 ng hapon, nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang isa sa mga suspek na nakatayo sa harap niya ang naglabas ng baril at walang sabi-sabing binaril siya sa katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungong Judge A Roldan Street habang agad namang nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng San Roque Police Sub Station 2 at SWAT team subalit, hindi nila naaresto ang mga salarin. (Richard Mesa)
-
PBA awards isasabay sa Season 47 opening
MULING isasabay ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagdaraos ng Season 46 Awards Night sa pagbubukas ng Season 47 sa Hunyo 5 sa Smart Araneta Coliseum. Unang ginawa ito ng PBA noong Marso 8, 2020 kung saan hinirang si June Mar Fajardo ng San Miguel bilang MVP sa ikaanim na pagkakataon kasunod ang […]
-
Magkapatid na bebot timbog sa P.5M droga sa Caloocan
NASAMSAM ng pulisya sa magkapatid na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang mahigit P.5 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng umaga. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 ng Brgy. […]
-
NCR Plus bubble, posibleng isailalim sa GCQ- Sec. Roque
MAAARING ilipat sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit- lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang […]