Tatum: 7th 50 point game
- Published on January 18, 2023
- by @peoplesbalita
Hindi umubra ang diskarte ng Charlotte Hornets matapos nitong malasap ang pagkatalo laban sa nangunguna pa rin sa Eastern Conference ng National Basketball Association na Boston Celtics ngayong araw.
Tinalo ng Celtics sa kanilang game 3 ang Hornets sa score na 130 – 118.
Pinangunahan ng star player ng Celtics na si Jayson Tatum ang kanyang team at umiskor ito ng solid season high 51 points at 9 rebounds.
Ito rin ika pitong pagkakataon na nakakuha si Tatum ng 50 points ngayong season.
Umariba ang Celtics sa unang quarter ng game habang lumamang naman ang Hornets sa ikalawa at ikatlong quarter habang nabawi ng Celtics ang ika-apat na quarter.
Nakapag ambag din ang power forward ng Hornets na si Jalen McDaniels ng kabuuang 26 points ngunit bigo pa rin itong ipanalo ang kanyang team.
Ginanap ang naturang laban sa Spectrum Center Arena na balwarte ng Hornets at pinanood ng mahigit 19,000 na NBA fans. (CARD)
-
EJ Obiena, pinangunahan ang inagurasyon ng kauna-unahang pole vault pit sa Ilocos Norte
PORMAL nang inilunsad ang pole vault pit sa Ferdinand E. Marcos Stadium dito sa lungsod ng Laoag, lalawigan ng Ilocos Norte. Pinangunahan mismo ni Olympian Pole Vaulter EJ Obiena at Gov. Matthew Marcos Manotoc ang naturang seremonya. Ito ang kauna-unahang naitayong pole vaulting facility na inilunsad ng isang Olympian Pole […]
-
Abueva, Banchero palitan patas – Victolero, Robinson
PASOK si Calvin Abueva sa small-ball rotation ng Magnolia Hotshots, may back-ap na si Matthew Wright sa Phoenix Super LPG sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa parating na Abril 9. Pasado sa pro league trade committee ang swap kamakalawa na naghatid sa The Beast sa Pambansang Manok buhat sa […]
-
PVL: Alyssa Valdez, player of the game sa laban kontra Nxled
ITINANGHAL na player of the game si Creamline Cool Smashers team captain Alyssa Valdez sa laban nito kontra Nxled Chameleons matapos itong makakuha ng 11 points mula sa 11 attacks. Ayon kay Valdez, masaya sila sa kanilang pagkapanalo at unti-unti na nilang nababalik ang kanilang confidence at identity. Nasungkit na ng […]