Taulava swerte kay Guiao
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Ipinagmalaki ni veteran Philippine Basketball Association (PBA) star Asi Taulava na umikot ang kanyang career bilang basketbolista kay coach Yeng Guiao.
Sa kwento ni Asi, bago pumasok sa PBA bilang direct-hire ng Mobiline noong 1999, nagsimula umano ang kanyang career sa Pilipinas sa paglalaro sa Blu Detergent sa Philippine Basketball League (PBL) VisMin Cup, isang pocket tournament na hindi sakop ng regular nitong torneo.
“It’s crazy when we go back to 97, 98 when I was an amateur. And guess who was the PBL commissioner at that time?,” kwento ni Taulava.
Ayon sa ulat, si Guiao ang PBL commissioner noon, na habang nagko-coach sa PBA ay nagsisilbing commissioner ng PBL mula 1997 hanggang 1999.
Ngayong 2020, inaasahang magreretiro si Taulava sa NLEX Road Warriors na nasa ilalim pa rin ni coach Guiao simula pa noong 2016 kung saan naglalaro na sa koponan si Taulava.
Ayon sa Fil-Tongan na si Taulava, marami umano itong rason para magpasalamat kay Guiao, hindi lang dahil sa pagbibigay simula sa kanyang career bagkus dahil sa oportunidad na maglaro sa edad na 47 sa NLEX sa ilalim pa rin ng kanyang pamamahala.
“I’ve been around with coach Yeng so long, like over 20 years. He was the commissioner at that time. He had a lot to do with it. His innovation, the way he projected, and what he want for the PBL to be played in the provinces and not just sitting at the Makati Coliseum. Everytime we had tournaments, he will move it out to the provinces,” ani Taulava.
Sa ilalim ng gabay ni Guiao, sumikat ang PBL matapos nitong bigyan ng permanenteng bahay ang liga sa Makati Coliseum at broadcast tie-up sa Vintage Sports.
“Dahil sa effort ni Guiao sa PBL, naging makinang umano ang kanyang career at naging malaking tulong maging sa ibang manlalaro na gustong pumasok sa PBA draft,” ani Taulava.
“That’s where we started picking up our following. Next thing you know, the PBA and the media started picking up on it and we got a lot more attention. It helped us,” kwento pa ni Taulava.
“Coach Yeng did a great job marketing us in the amateurs and they gave us the opportunity to become the persons that we are today,” hirit pa nito.
-
10-15% na pagtaas sa presyo ng mga gulay sa Merkado, dahil umano sa pagbaba ng suplay sa mga lugar na tinamaan ng bagyo-DA
KINUMPIRMA ng Department of Agriculture ang 10-15 percent na pagtaas sa presyo ng mga gulay sa Merkado. Ayon sa kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa , ito ay dahil sa pagbaba ng supply nito sa mga lugar na labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo partikular na ang bagyong Kristine. […]
-
Pilot tested ng gov’t food stamp program sa 2nd half na ng 2023 – DSWD
SA LAYUNING mapagaan ang kagutuman at kahirapan sa bawat pamilyang Filipino na nabibilang sa “lowest income bracket”, nakatakdang ikasa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pilot-test ng food stamp program nito sa second half ng taon. Ito ang sinabi ni Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang. […]
-
Batas vs red tagging
Kaisa si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na gawing krimen ang red-tagging. “I agree with Sen.Lacson in criminalizing red-tagging, in particular for government officials and employees who use government funds and resources to vilify and attack progressives, artists, critics of the administration, […]