• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taun-taon: Australia, magbibigay ng ‘work, holiday’ visa sa 200 Pinoy

INANUNSYO ng Australian Embassy sa Maynila na magpapalabas ito ng “work and holiday” visas sa 200 Filipino na may edad na  18 hanggang 30, simula sa taong 2024.

 

 

Kasunod ito ng reciprocal visa arrangement sa pagitan ng Maynila at Canberra.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Embahada na ang Pilipinas ay magiging ‘eligible country’ para sa scheme sa susunod na taon kung saan hindi pa maianunsyo ang eksaktong petsa para rito.

 

 

“Prime Minister (Anthony) Albanese and President (Ferdinand R.) Marcos (Jr.) announced a new reciprocal Work and Holiday visa for Australians and Filipinos for up to 200 young people in each direction a year, supporting stronger economic, cultural and people-to-people links,” ayon sa kalatas ng Embahada.

 

 

“The date and details on how to apply will be announced in due course,” dagdag nito.

 

 

Papayagan ng nasabing  visa ang mga taong may edad na  18 hanggang 30 na magkaroon ng isang ‘extended holiday’ sa Australia at trabaho para tulungan na pondohan ang kanilang biyahe.

 

 

Sa naturang visa, sinabi ng Australian Embassy na maaaring gawin ang  “short-term work isa Australia para makatulong sa mga gastusin kapag nag-holiday, mag-aral ng hanggang apat na buwan, bumiyahe papunta at paalis ng Australia ng maraming beses ayon sa gusto ng isnag indibiduwal.”

 

 

Ang isa aniyang requirements  ay sapat na pondo para suportahan ang sarili habang nasa Australia.

 

 

Sinabi naman ng  Australian Department of Home Affairs na maaaring umabot ng 5,000 Australian dollars (P180,900) para sa paunang pananatili at karagdagang cash na sapat para bumili ng flight ticket para umalis sa Australia sa huling araw ng pananatili roon.

 

 

Ang ” work at holiday visa” ay nagkakahalaga ng  635 Australian dollars (P22,974) at bibigyan ang  holder  ng 12 buwan na pananatili sa  Australia.

 

 

Sa kabilang dako, nilagdaan ng Pilipinas at Australia ang memorandum of understanding (MOU) sa pagtatatag ng “Work and Holiday” visa arrangement sa panahon ng official visit ni  Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Malakanyang noong Setyembre 8.

 

 

Sa ilalim ng MOU, “both countries will grant eligible participants from both countries “Work and Holiday” visa which will permit them to stay and work in the host country for a period of 12 months.”

 

 

“The participants mutually decide to establish a ‘Work and Holiday’ visa arrangement, to allow nationals of both Participants to stay in the territory of the other Participant for the primary purpose of a holiday, during which they may undertake work to supplement the cost of their stay,”ang nakasaad sa  MOU.

 

 

Ang  MOU ay magiging balido “for an indefinite period of time” maliban na lamang kung “terminated by written notice through diplomatic channels.” (Daris Jose)

Other News
  • KADIWA outlets ng NIA, nagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas

    BILANG pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa maraming tulong na ipinagkaloob sa mga magsasaka para itaas ang kanilang produksyon, nagsimula na ang mga irrigators na magbenta ng kasing baba ng P20 kada kilo ng bigas sa Kadiwa outlets ng National Irrigation Administration (NIA).     “This was made possible by the irrigators’ […]

  • ARA, dream come true na finally ay nakasama na sa work si SHARON

    BAKIT kaya parang masyadong tahimik ang career ni Liza Soberano?     Walang masyadong balita kung ano ang pinagkakaabalahan ni Liza, career-wise.     Tungkol lang sa trip abroad ng with bf Enrique Gil ang makikita sa IG account ni Liza.     Okay lang ba kay Liza na out of sight muna sa showbiz […]

  • Mas maraming pondo mula ‘22 budget ang magamit para sa ‘Odette’ rehab, utos ng pamahalaan

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mas maraming pondo mula sa panukalang national budget para sa 2022 ang magamit para sa “response and recovery efforts” sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette.   Binanggit ng Pangulo ang hangarin niyang ito nang personal niyang bisitahin ang mga typhoon-affected areas sa Cebu at Bohol, araw […]