Tautuaa, Gilas ‘Pinas 3×3 babatak sa ‘Calambubble’
- Published on May 1, 2021
- by @peoplesbalita
UUMPISAHAN na sa darating ng Linggo ng Gilas Pilipinas national men’s 3×3 basketball team ang ‘Calambubble’ training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang preparasyon sa International Basketball Federation Olympic (FIBA) Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria.
Magpapatikas ng porma sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Moala ‘Mo’ Tautuaa at Christian Jaymar ‘CJ’ Perez ng San Miguel Beer, at incoming rookies Joshua Munzon ng Terrafirma at Alvin Pasaol ng Meralco.
Sasamahan sila ng mga reserbang sina Rain or Shine newcomer Leonard Santillan ng Rain at pro league journeyman Karl Dehesa.
“All the players and coaches, led by 3×3 program director Ronald Magsanoc, have started the protocol necessary to enter the training bubble and they will start their practices next week,” bigkas nitong Miyerkoles ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) president Alfredo Panlilio.
Pinapurihan at pinasalamatan din ng opisyal si PBA Commissioner Wilfrido Marcial, ang Board of Governors ng liga at limang team ng mga player sa pagtulong sa pambansang koponan.
Kabangga ng Nationals ang Qatar at Slovenia sa May 26o, at ang Dominican Republic at France sa Mayo 28.
Kumpiyansa ang SBPI at PBA si Panlilio na makakarating ang PH squad ng top 3 upang makapaglaro sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang ng Covid-19 sa Hulyo 23-Agosto 8. (REC)
-
Pagtaas ng kontribusyon ng Pag-IBIG Fund members posibleng sa taong 2022 na
POSIBLENG sa 2022 maimplementa ng Pag-IBIG Fund ang dagdag na P50 sa buwanang kontribusyon ng kanilang miyembro. Sinabi ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy na nakausap na niya ang mga stakeholders at pumayag umano ang mga ito. Isa kasing itinuturong dahilan ng pag-antala ng increase ay dahil sa epekto ng COVID-19. […]
-
Nag-topless sa kanyang IG post: CARLA, nagliliyab at pasabog ang pagsalubong sa 2023
TRENDING ang husay ni Aiko Melendez sa isang eksena sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ Lunes ng gabi, January 9. Ang eksena ng pagpapakamatay ni Andrew (na mahusay ring ginampanan ni Will Ashley) sa harap mismo ng ina niyang si Lily (Aiko) ang hinangaan at pinuri ng mga netizens dahil sa nakapangingilabot at […]
-
Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers
DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon. Ngayong taon, sunud-sunod na […]