Tawang-tawa si Isko sa kuwento na nagpakalalaki noon: VICE GANDA, gusto nang magka-anak kaya balak magpa-surrogate
- Published on January 24, 2023
- by @peoplesbalita
ANG pagiging parehong laking Tondo nila ang isa sa dahilan kung bakit si Vice Ganda ang ininterview ng former Manila Mayor na si Isko Moreno.
Aliw ang mga reaction ni Isko lalo na nang malaman nito na nagkaroon pala ng mga girlfriends si Vice noong araw.
“Nagka-girlfriend ako. Lima,” sey niya na ikinagulat ni Isko.
Pero ayon kay Vice, ever since, alam niya na bakla siya. Pero kaya raw siya nagge-girlfriend noon dahil gusto niyang ma-cure ang pagka-bakla niya.
“I’m trying to cure it, until I realized na bakit ko icu-cure, e, hindi naman ito sakit. Hindi naman siya disability. Hindi naman siya nagbabago.
“Nagge-girlfriend lang ako, pero hindi naman ako nagbabago. Bakla talaga ‘ko. Hindi ko kayang humalik. Hindi ko kayang humawak sa dede.”
Tawang-tawa si Isko at parang naa-amuse sa kuwento ni Vice sa side nito noon na nagpapakalalaki pa.
Kuwento pa ni Vice, kasama raw niyang manood sa Odeon Theater noon sa Avenida ang girlfriend at parang nagpapahiwatig ito na i-kiss daw niya. Kiniss naman daw niya, pero hindi raw talaga niya kaya ang ‘momol.’
Sey ni Vice, “Hindi ko talaga kaya ang momol. Nilagay niya ang kamay sa dede niya, do’n ko talaga na-realize na bakla talaga ‘ko.”
Pagdating sa jowaan ng lalaki, though kasal na si Vice kay Ion Perez, late bloomer raw siya sa jowang lalaki.
Pero sila ni Ion, okay raw talaga sila.
“Okay naman kami. Masaya. Masayang-masaya. Mapayapa. Although hindi siya perfect. Marami kaming pinagdadaanan. Nagtatalo rin kami. Pero never kaming nag-away nang malalang away.”
Nag-iba na rin ang mindset ni Vice ngayon. Dati, ayaw nitong magkaroon ng anak. Pero ngayon, gusto na raw niya.
“Oo, surprisingly, gusto ko ng magka-anak. Dati, as in, no-no ako diyan.”
Biological child daw ang gusto ni Vice kaya magpapa-surrogate ito.
“Dati talaga, no-no, kahit nga mag-a-adopt. Ayoko kasing i-subject ang magiging anak ko sa social injustices, discrimination. Kahit anong gawin natin, iba ang tingin ng mga tao kapag ang Tatay niya, bakla.
“So, naaawa ako sa bata.”
Nagbago raw ang mindset niya nang makilala niya si Ion at nakikita niya kunt gaano kaganda ang relasyon nila.
“Sabi ko, kaya naming magka-baby. Tapos sabi ko, gusto ko siyang buuin talaga at bigla na lang, instantly, sabi ko, gusto ko ng magka-baby. Wala na ‘kong pakialam kung ano sasabihin nila. Ang mahalaga na lang, ibi-build ko ang personality, ang character ng anak ko.”
***
EMOSYONAL si Rabiya Mateo habang nagbi-video ng kanyang sarili at ipinapakita ang bagong bahay na nabili niya.
Ayon kay Rabiya, para raw sa pamilya sa Iloilo ang kauna-unahang bahay na naipundar niya.
Sabi nga niya, “I’m kinda getting emotional kasi, looking back din, parang it’s impossible for us na magkaroon ng sariling bahay. Kasi, nagre-rent lang kami, no permanent address din. Nakailang lipat na rin ng bahay and God has been so good to me and to my family.
“Sa lahat ng blessing na pumasok talaga, God has been so good.”
Umaasa rin siya na mas mapapaganda pa raw sana niya ang nabiling bahay. May payo rin siya sa mga tulad niyang breadwinner.
Sey niya, “Sa mga breadwinner diyan, alam kong minsan nakakapagod din na maraming taong umaasa sa ‘yo, but set it as s fuel to strive harder talaga. Super sarap sa feeling to be able to provide sa mga taong mahal mo.”
Inisa-isa rin pasalamatan ni Rabiya ang lahat ng endorsements niya, Sparkle at mga taong nakatulong daw sa kanya at nagtiwala simula pa sa journey niya sa Miss Universe.
(ROSE GARCIA)
-
Sino pa kaya ang gay celebrities ang lalantad?: RAYMOND, inamin na may boyfriend na at walang dapat itago
SA podcast ni Wil Dasovich noong June 11 ay ininterbyu niya si Raymond Gutierrez at napunta sa topic ng lovelife ang usapan nila. Inamin ni Raymond na mayroon siyang boyfriend. “What is there to hide? There is nothing to hide. If the pandemic taught us one thing, it’s to […]
-
UGNAYAN NG PSC, KAMARA PINATIBAY
WALANG problema para sa Philippine Sports Commission ang pagiging abala sa kaliwa’t kanang mga trabaho, matapos itong ipatawag ng Senate at Congress para sa serye ng hearings sa mga proposed bills sa sports. Inimbitahan ni Senate Committee on Sports Chairman Sen. Christopher Lawrence Go para sa Philippine Boxing and Combat Sports Commission consultative hearings […]
-
Pagbawi sa Overseas Deployment Ban, malabo-Malakanyang
TINIYAK ng Malakanyang na hindi babawiin o ili-lift ng Pilipinas ang overseas deployment ban sa mga healthcare workers sa hinaharap dahil sa COVID-19 pandemic. Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang deployment ban ay mananatili sa kabila ng pagsalungat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na nakipagtalo na ang pagbabawal sa mga doktor, […]