Tax break sa e-motorcycles posible sa pagrepaso sa EV incentives
- Published on February 20, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG repasuhin sa susunod na linggo ang executive order na nagbabago sa tariff rates para sa electric vehicles (EVs), kung saan posibleng maisama ang e-motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na nakikinabang sa tax breaks.
Naunang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Executive Order No. 12, series of 2022 na nagbibigay ng tax breaks sa ilang uri ng EVs ay magkakaroon ng mandatory review ngayong buwan.
Ang EO12 ay na-upload sa Official Gazette noong January 19, 2023, at nagkabisa noong February 20, 2023. Isasailalim ito sa pagrepaso simula February 21, 2024.
Ang EO12 ay inilabas upang palakasin ang Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), sa layuning maisulong ang EVs sa bansa para matulungan itong maitulak ang green transport at mabawasan ang carbon emissions.
Maliban sa e-motorcycles, na hindi kasama sa tariff suspension at pinapatawan pa rin ng 30% import charge, ang iba’t ibang uri ng electric vehicles at mga component nito ay nakakuha ng mas mababang taripa sa ilalim ng EO12 mula sa dating 5% hanggang 30% sa kasalukuyang 0% import duty.
Ang NEDA ang ahensiya na nagrekomenda sa pagpapatupad ng EO12 sa loob ng limang taon upang baguhin ang tariff rates para sa ilang EVs at mga parts at components nito.
Nagpahayag ng alalahanin ang EV industry stakeholders sa EO12 buhat nang simulan ito noong 2023, binigyang-diin na hindi makatarungan na i-etsa-puwera ang e-motorcycles sa mga tumatanggap ng tax breaks mula sa pamahalaan kahit na ang motorsiklo ang bumubuo sa karamihan sa mga motorista sa bansa, ayon sa datos mula sa Land Transportation Office (LTO).
Sa datos ng Statista Research Department, nasa 7.81 million private motorcycles at tricycles ang nakarehistro sa Pilipinas noong 2022.
Ito rin ang nagtulak kay Albay Rep. Joey Salceda na ihain ang House Bill 9573, na naglalayong rebisahin ang EO12, upang isama ang e-motorcycles ss EVs na nabibigyan ng tax breaks. (Daris Jose)
-
3 MURDER CASE AT IBA PA, INIHAIN LABAN SA MGA PULIS ALBAY
TATLONG bilang ng kasong murder at iba pa, ang pormal nang inihain sa Department of Justice ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa 28-anyos na rent-a-car driver at dalawang iba pa sa Barangay Busac, Oas Albay. Kasama ng NBI-Death Investigation Division , inihain ni Gng. […]
-
Piniling reward na magtayo ng business: YSABEL, ‘di natuloy sa law school dahil sa ‘Voltes V: Legacy’
FOUR years ang preparasyon at apat na buwan na umere ang ‘Voltes V: Legacy’ na consistent top-rating show ng GMA. At dahil hindi biro ang kanilang pinagdaanan para mapaganda ang show, may reward o gantimpala ang Voltes team sa kani-kanilang sarili. Ang nag-iisang babae na miyembro ng grupo na nagpipiloto sa […]
-
Azkals star James Younghusband, inanunsyo ang pagreretiro sa football
Pormal nang nagretiro sa paglalaro ng football si Philippine Azkals star James Younghusband. Anunsyo ito ni Younghusband sa social media, pitong buwan makaraang tuldukan na rin ng kanyang nakababatang kapatid na si Phil ang kanyang karera sa football. Sa kanyang social media post, todo pasalamat ang 33-anyos na si Younghusband sa lahat ng […]