• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TAX PAYMENT NG COMPUTER SHOPS SA NAVOTAS, PINAGPALIBAN

PINALAWIG ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang deadline para sa business permit renewal at pinayagan ang mga rehistradong computer shops na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng kanilang business tax para sa 2021.

 

Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na lahat ng business taxpayers ay maaaring magbayad ng ng kanilang buwis nang walang karagdagang bayarin hanggang Pebrero 28, 2021.

 

Batay naman sa City Ordinance No. 2020-52, pinalawig ang renewal ng business permit at pagbabayad ng business tax ng computer shops, internet cafes, pisonet at iba pang katulad na establisiyemento hanggang sa payagan na silang muling mag-operate.

 

Lahat ng multa, kabilang ang interes, ay ipinawalang-bisa habang epektibo ang extension.

 

“Businesses are still reeling from the impact of the COVID-19 pandemic. Many have folded, others have been trying to stay afloat. We hope to give them much-needed reprieve by offering them more time to settle their obligations,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

Magugunitang nagbigay ang Navotas ng tax refund sa taxpayers na nagbayad ng surcharges, penalties at interes sa lahat ng lokal na buwis at bayarin na nakatakda nang bayaraan o na-assess mula Setyembre 14, 2020 hanggang sa pagpapatupad ng City Ordinance 2020-45. (Richard Mesa)

Other News
  • Planong gumawa ng sariling YouTube channel para madetalye: DIEGO, naging open sa mga pinagdaanan nang magpa-rehab

    DOBLE ang pagdiriwang nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva dahil bukod sa kaarawan ng aktres, ibinalita rin sa kanila na extended ang pinagbibidahan nilang GMA Afternoon Prime series na ‘Makiling’.       Ipinagdiwang nina Derrick at Elle ang kaarawan ng dalaga sa Batangas.       “This time kasama ko si Derrick pati si […]

  • Japanese gymnast Kohei Uchimura, nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Japanese gymnast Kohei Uchimura.   Dahil dito ay pinangangambahan na hindi na makakasali si Uchimura sa international meet.   Ang nasabing international meet ay gaganapin sa Nobyembre 8 bilang paghahanda para sa Tokyo Olympics.   Nauna na kasing ipinagpaliban ang nasabing torneo na unang plano ay sa Marso subalit dahil sa […]

  • MECQ ‘dapat i-extend pa ng hanggang 2 linggo’ sa NCR Plus, sabi ng DOH

    Kung ang Department of Health (DOH) ang tatanungin, dapat pang ipalawig ang ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon ng NCR Plus dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.     Sakop ng NCR Plus — na nasa MECQ sa ngayon — ang National Capital Region, Rizal, Cavite, […]