• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taxis humihingi ng P30 na flagdown

ANG MGA samahan ng taxi operators at drivers sa bansa ay humihingi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng konsiderasyon sa kanilang petisyon na itaas ang flagdown ng taxi kung saan ito ay una nang binasura ng ahensiya.

 

 

 

Humihingi sila ng P30 flagdown rate mula sa LTFRB na hindi naman pinagbigyan nito.

 

 

 

“We have a pending motion for reconsideration because our original petition was not granted,” wika ni Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) president Bong Suntay.

 

 

 

Noong nakaraan taon ay pinayagan ang mga taxi operators na magtaas lamang ng P5 kung saan sila ay nagkaron ng P45 na flagdown rate.

 

 

 

Karamihan naman sa mga taxi operatos at drivers ay hindi ginawa ang pinayagang pagtataas ng flagdwon rate dahil walang ginawang meter recalibration.

 

 

 

Ayon kay Suntay ang mga taxi operators ay nagsusulong ng P70 para sa minimum fare sa taxis. Dagdag ni Suntay na ang kanilang hinihinging P30 flagdown rate ay reasonable naman lalo na kung bibigyan pansin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina.

 

 

 

Pinaalala ni Suntay na taong 2017 pa nagkaron ng “responsive” na fare increase ang mga taxis ng ang presyo ng gasoline at krudo ay mas mababa pa sa P40 kada litro. Sa ngayon na ang presyo nito ay umaabot na sa P65 hanggang P67 kada litro, ang mga drivers at operators ay talagang nakakaranas ng hirap na makabangon sa mataas na presyo ng krudo at gasolina.

 

 

 

Samantala, ang mga hanay naman ng public utility jeepneys (PUJs) ay humihingi ng P2 fare hike dahil na rin sa tumataas ng presyo ng produktong gasolina. LASACMAR.

Other News
  • Half-Pinoy Jason Kubler kasama ang pakner, KAMPEON!

    TAAS-NOO na naman ang mga Pinoy matapos magkampeon sina Filipino-Australian Jason Kubler at partner Rinky Hijikata sa men’s doubles ng Australian Open na nilaro sa Melbourne nitong Sabado.   Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, may maipagmamalaki na naman ang mga Pilipino sa panalo ni Kubler.   “It’s something that […]

  • De la Hoya hindi aatrasan si Canelo

    Kilala si dating six division world champion Oscar de la Hoya na hindi umaatras sa hamon, mentalidad na dala pa rin nito hanggang ngayon sa edad na 47.   Nagpahayag si De la Hoya na muling babalik sa boksing upang lumaban at target umano nitong makasagupa ang tigasin nitong alagang si Saul “Canelo” Alvarez.   […]

  • Guidelines, inilabas ng QC gov’t para sa mga magtatayo ng community pantry

    Kasunod na rin ng pagkamatay ng isang senior citizen sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin, naglabas kaagad ang Quezon City government ng kanilang guidelines para sa pagtatayo ng mga community pantries sa lungsod.   Ito ay para matiyak na nasusunod ang mga health protocols at mapanatili ang peace and order […]